Ch16. Haunted

30 0 0
                                    

- ANDREI "REY" -

I cannot talaga!

"Ewan ko talaga sayo Rey! For sure nananaginip ka lang. Kung naandyan lang ako, binatukan na talaga kita nang magising ka!," sigaw ni Chris sa kabilang linya kaya nailayo ko ang phone.

"Eh totoo naman kasi eh! Saka gising na gising na ako magmula pa kanina kaya di mo na ako kailangang batukan!"

"Ewan ko sa'yo! Basta, ipagluluto mo ako. It's a deal!"

"Oo na, oo na! Basta bilisan mo!"

〰〰〰➰⚪➰〰〰〰

"So, mind telling me the whole story?," sabi nya habang nakahalukipkip at nakaupo sa sofa namin sa sala.

Wala naman kaming pasok ngayon kaya niyaya ko syang dito na lang sa bahay matulog, particularly sa kwarto ko. Nahihiya naman kasi akong magpatabi kay Ha Won sa pagtulog lalo na at may kasalanan pa ako sa kanya kagabi. Nagligpit na nga sya ng pinagkainan namin dahil sa kashungaan ko tapos for sure, sya rin ang nagligpit ng mga kalat ko sa sala kagabi dahil kami lang namang dalawa ang tao sa bahay. Paggising ko rin kaninang umaga, nasa loob na ako ng kwarto. Mabigat pa man din ako kaya for sure, nahirapan syang dalhin ako sa kwarto ko kaya nahihiya talaga akong humingi ng favor sa kanya.

Kinwento ko kay Chris ang misfortunes ko magmula kahapon hanggang sa creepy experience ko kaninang madaling araw. Tutok na tutok naman sya sa pakikinig sa akin pero nakataas ang kilay nya pero nang makwento ko yung tungkol sa kashungaan ko sa pagliligpit ng pinggan, ang bruha tinawanan lang ako kaya binato ko sya ng throw pillow. (Ito rin siguro ang dahilan kung bakit throw pillow ang tawag dito.)

"Makinig ka kasi muna!"

Kinwento ko rin na posibleng si Ha Won ang nagligpit ng mga kalat ko sa sala at ang nagdala sa akin sa kwarto.

"Grabe, nakakahiya. You owe her big time."

"Pero the worst of it all ay yung sinabi ko sa'yo kanina sa phone."

Sinimulan kong idemonstrate sa kanya yung nangyari kaninang madaling araw.

"Tandang tanda ko pa kaninang madaling araw... Na-interrupt ang mahimbing kong pagtulog nang may marinig akong mga kaluskos. I thought guni-guni ko lang ang lahat kaya bumalik ako sa pagtulog pero maya-maya lang, naandyan na naman yung kaluskos pero may kasamang katok sa umpisa at sa dulo. Tapos sinundan pa ulit ng dalawang kaluskos. Akala ko nananaginip lang ako pero nung kinurot ko yung braso ko, ah! Ang sakit! Kaya pinakinggan kong maigi ang paligid pero wala na kong nairinig-BUT that's what I thought! Nung time na tutulog na ulit ako, nakarinig ako ng mga katok. Tapos after lang ng ilang minuto, may mga kaluskos na naman. Grabe, sobrang naiiyak na ako nun pero nang pakinggan kong maigi, nanggagaling yung ingay sa ilalim ng kama ko," I stopped for a while para humugot ng hininga at lakas ng loob.

"So what happened next? Sinilip mo ba yung ilalim ng kama mo? Aah sinasabi ko sa'yo, dapat tumakbo ka na palabas ng kwarto pag ganun!," sabat ni Chris na nakahawak na sa magkabilang balikat ko.

"Yun na nga eh! Dapat talaga tumakbo na ako palabas pero out of curiosity, sinilip ko yung ilalim ng kama..."

Sabay pa kami ni Chris na napapalunok ng sariling laway. Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa. Naaalala ko pa rin yung kanina. Hindi ko talaga yun malilimutan.

Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon