Ch29. Off-limits

22 0 0
                                    

- CALEB -

"Look who's here?"

"Finally, the young captain is back"

"Naghahanap ka ba ng sakit ng katawan?"

"Ahahahaha"

Sa halip na pansinin sila ay dire-diretso kong tinungo ang second floor kung saan naroon ang kikitain ko sa mga oras na ito.

Naandito ako ngayon sa lungga ng mga taga-black-gate, sa pub na pinuntahan namin ni Andrei noon.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto sa second floor ay bumungad sa akin ang nakakahilong amoy ng hindi ko malamang pabango o chemical (ba yun?) kaya hindi ko maiwasang magtakip ng ilong.

Anong kababalaghan ang ginagawa ng mga ito?

"Oh? Naandito na siya Kap!," pag-agaw atensyon ni Coco sa kanilang kapitan.

"Caleb! Mabuti at nakapunta ka!," bati sa akin ng kapitan nila at ginagap ang kamay ko.

Kailan pa siya naging accommodating sa mga bisita o matatawag nga ba akong bisita?

"I am really sorry sa ginawa sa iyo ni Twelve-," sabi nito habang nakangiti at hawak pa rin ang kamay ko.

"Evans Kap!," pagtatama ni Coco sa kanya.

"Yun nga, si Evans," sabi niya ulit sabay ngiti.

Hindi mo man lang ba kilala ang mga teammates mo?

Naturingan siyang kapitan pero bihira lang siyang maglaro sa mga games liban na lang kung national competitions. He is more like a coach to their team.

"Bakit mo ba ako pinapunta rito?," walang paliguy-ligoy kong tanong.

"Ahh yun ba? Uminom ka munang tsaa," alok nito sa akin ngunit sa halip na inumin ang tsaang isinalin niya ay tiningnan ko lang siya nang diretso sa mata.

"Anong kailangan mo?"

Sinasayang niyo lang ang oras ko.

We both know na off-limits para sa aming mga taga-white gate na pumunta sa lugar na ito kaya anong dahilan para papuntahin niyo ako rito?

Naalala ko na naman nung nakaraan. Halos hindi ko mapigilan ang sarili kong suntukin yung Evans na yun.

〰️〰️〰️➰🔵➰〰️〰️〰️

Flashback...

"Natikman mo na ba yung chikababes na pumunta sa amin nung nakaraan? Anong masasabi mo? Masarap ba siya?"

Baboy!

...

"Ganun yung mga type ko, palaban at marunong makipagsabayan," sabi niya at saka binasa ang labi niya. Bwisit!

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong ganito mag-isip. Ni minsan ba sumagi sa isip nila na may kapatid silang babae o kahit ina man lang na maaaring nasa receiving end ng mga ganitong remarks?

Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon