- ANDREI "REY" -
"Good morning sunshine," bati sa amin ni Kyo nang pumasok siya sa bahay, saktong kagigising lang namin ni Chris.
"Mind telling me what happened here?," tanong niya sa amin kaya taka ko siyang tiningnan.
Nakatingin siya sa likod ko kaya nilingon ko yun at halos malaglag ang panga ko sa nakita kong pictures na nakapaskil sa pader gamit ang tape. Paanong hindi malalaglag ang panga ko eh isang buong typewriting ang bawat isang picture. Higit sa sampu ang mga pictures na nakaladlad sa harapan namin.
Merong picture na nakanganga pa ako habang natutulog at nakataas ang paa sa coffee table habang nakahiga sa sahig at nakaulo sa hita ni Chris na nakaupo sa sahig at nakasandal sa sofa.
May mga kuha ng kalat sa lamesa mula sa balat ng chips, plastic bags, pati na rin pitsel at mga basong may laman pang juice. Nakabukas pa ang TV habang mahimbing ang tulog namin ni Chris. May kuha din ng nakabukas na bintana.
"Kung wala ang mga pictures na iyan, hindi ako maniniwala sa linis sobrang linis ng sala," sabi ni Kyo at nilibot ang paningin sa paligid.
Tama siya, wala nang bakas ang mga iniwan naming kalat kagabi. Kumpara sa mg nasa litrato, very peaceful na ng sala namin ngayon.
"Sabihin niyo nga, si Ha Won ba lagi ang naglilinis ng mga kalat sa bahay kapag wala ako?," tanong niya at umupo sa isang arm chair habang pinapasadahan ng daliri ang gilid ng coffee table.
"Para ka namang protective boyfriend-wait! Umamin ka! Kailan pa naging kayo ni Ha Won?," sunud-sunod na sabi ko sa kanya.
"At saan mo naman nakuha ang kalokohang iyan?," nakataas ang kilay na tanong niya sa akin at tumingin kay Chris.
"Not me," tanggi niya.
"Ipinagkakaila mo ba si Ha Won? Man up boy," panenermon ko sa kanya.
"Stop changing the topic. Nag-almusal na ba kayo?," sagot niya sa akin dismissing the idea.
Mahuhuli rin kita-Hala! Hindi pala ako nakapagluto ng almusal.
"Anong oras na ba?," tanong ko habang hinahanap ang wall clock.
Alas dies na pala.
Malamang nakaalis na si Ha Won. Maaga pa man din yun nagigising.
"Pambihirang iyan. Kumain nga muna tayo," pang-aasar pa ni Kyo habang nakangisi.
Tumunog kasi yung sikmura ko.
"Akin lang ba yun?," tanong ko.
"All yours," sagot ni Chris at pumunta muna kaming banyo para maghilamos.
〰〰〰➰⚪➰〰〰〰
"So kailan mo ioopen sa akin ang tungkol sa inyo ni Ha Won?," tanong ko sa pagitan nang pagkain naming tatlo dahilan para mabulunan si Kyo.
"At ano namang sasabihin ko?," tanong niya at uminom ng tubig.
"Your relationship, haller?," sarcastic kong sagot sa kanya.
Ang pagkakaalam ko, mas mataas ang IQ sa akin ng batang 'to.
Tutok na tutok naman si Chris sa pakikinig sa amin habang sumusubo. Hindi lang iyan umiimik ngayon pero mamaya, mas marami pa iyang masasabi.
BINABASA MO ANG
Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)
Misterio / Suspenso| P A R T 1 - C O M P L E T E - U N D E R . E D I T I N G | "Fake it until you make it." Most of us in this new era were deceived by this lie that has already destroyed many lives. We choose to hide the face of reality under the mask of betrayals an...