Ch21. Terno

7 0 0
                                    

- ANDREI "REY" -

Finally! Pinapansin na ulit kami ni Ha Won! Ibig sabihin ba nito, tuloy ang pajama party kasama siya? Naeexcite na ako! For sure babagay sa kanya yung napili kong design.

Matapos naming magpaliwanag sa kanya sa sala, mabilis akong tumayo at patakbo na sana sa hagdan nang bigla akong madulas. Huhu ang sakit sa puwet.

"Ano bang ginagawa mo Rey?," sermon ni Chris sa akin pero mabilis niya naman akong pinuntahan at tinulungan akong pagpagin yung damit ko.

"Wait lang! May kukuhanin lang ako sa kwarto," mabilis na sabi ko at tinuloy na ang pag-akyat sa hagdan pero this time, may kasama nang pag-iingat. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi ni Ha Won, "Baka."

Pansin ko lang, ang hilig niyang magsabi ng baka. Baka favorite niya talaga ang baka? Kung ganoon, I will prepare beef karekare bukas. For sure, gaganahan siyang kumain. Isa pa, isa yun sa favorite dish ni Chris kaya kahit na puyat, kailangan kong gumising nang maaga bukas.

Nang makuha ko na ang mga kailangan ko, dali-dali ulit akong bumaba ng hagdan pero sinermunan agad ako ni Ha Won.

"Can't you just walk?," nakakunot noong sabi niya habang naka-crossed legs. Ikaw na ang long-legged.

Pero yung totoo, bakit ba ang hilig manermon ng mga nagiging friends ko? Normal ba talaga yun o magnet lang ako ng masusungit na tao?

"Hehehe taadaa!" Pinakita ko ang mga plastic bags na hawak ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay pero nagets naman agad ni Chris ang ibig kong sabihin kaya mabilis siyang pumili ng movie sa tv.

"Didn't we just eat?," tanong ni Ha Won.

"Manonood tayo ng movie-"

"I don't like watching movie," supalpal niya sa akin at balak na sanang tumayo pero hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para pigilan.

Tiningnan niya ako na para bang sinasabi niyang lagot ako kapag hindi ko siya binitawan. Mga ganoong klase ng tingin pero hindi ako magpapa(what?) paawat.

"Ha Wonie~," sabi ko sa kanya habang nagpapa-cute pero mukhang naasiwa ata siya sa ginawa ko.

"Pinag-effort-an talaga namin ang gabi na ito kasi gusto naming makabonding ka. Yun din ang dahilan ng pamimili namin sa labas kahit gabi na-"

"Are you implying that it is my fault?," tanong niya sa akin at tinaasan ako ng kilay habang nakaform ng straight line yung mga labi niya.

"H-hindi! What I mean is gusto lang naming mas maging solid yung friendship natin kaya please. Join ka na sa pajama party. Huh?," sabi ko pa sa kanya habang hindi inaalis ang mga kamay sa balikat niya pero hindi siya nagpatinag.

"I have no intention of joining your... pajama party or whatsoever so no need to bother yourself."

Tinitigan niya lang ako at mukhang walang balak na sumama sa amin kaya naisipan ko nang ilabas ang alas.

Mapapapayag din kita. Pinag-isipan ko kaya ito.

"Sa katunayan nga niyan, ipinili kita ng pajama para naman terno tayong tatlo. Hindi ba Chris?," sabi ko at tiningnan si Chris. Nakuha niya naman agad ang ibig kong sabihin kaya niladlad niya sa harap ni Ha Won ang isang terno ng pajama na long sleeves at pants.

Hindi ko kasi alam kung anong preference niya pagdating sa pajama kaya may dalawang option akong binili para sa kanya.

Tiningnan niya lang iyon at nginisian niya lang ako.

Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon