"Enjoy the waves and let the current sweep you back to the shore."
Magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga salitang iyan. Magmula nang snob-in ako ni Jero ay iyan na ang naging daily mantra ko.
Halos lahat ata ng diary entry ko ay nakasulat ang mga salitang iyan. Matapos kong i-save ang daily log ko ay itinago ko na yung phone ko at saka ipinagpatuloy ang plano ko para sa araw na ito.
Maingat akong naglakad habang palinga-linga sa paligid sabay tago sa mga halaman sa gilid. Buti na lang at medyo mapuno dito sa school namin. Kung hindi, baka matagal niya na rin akong nahuli.
Edi nasabihan pa ako na STALKER at ILUSYONADA...
Oh well, as if naman papayag ako... ADMIRER pwede pa. ;)
Pero STALKER?
nuh-uh-
"Uhmmmnnn..."
Hmm? Nagulat na lang ako nang pagtingin ko dun sa bandang kaliwa ko, meron palang taong natutulog sa malapit na bench. Mukhang nadali ko ata ang paa nito pero buti na lang at mukhang di ko naman sya nagising.
Phew...
"Uhh..." Nanlaki ang mata ko nang bigla syang tumingin sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.
"Hala ka! Patay kang bata ka... hehehe... peace?" bulong ko pero mukhang hindi naman niya ako napansin dahil bumalik na agad siya sa pagtulog.
Haay... Buti naman, akala ko mapupurnada pa ako eh. At mula doon ay maingat na akong umalis para bumalik na sa aking agenda for this day.
Anong ginagawa ko? Well, obviously, nag-aala-Totally Spies lang naman po ang peg ko ngayon.
Bakit? Yun ay para sundan si Jero.
"Alam mo, mukha kang baliw dyan sa pinaggagagawa mo. Nakangiti ka pang mag-isa. Psh."
At sino pa nga ba ang magsasabi niyan? Asar na liningon ko sya at as usual, nakacivilian na naman po ang lolo niyo... Kahit kailan talaga di marunong sumunod sa mga rules and regulations...
"Bakit ka ba nangengealam ha?! Ikaw nga di naka-uniform eh! Pasaway 'to, " pahina hanggang sa pabulong na sabi ko sa kanya.
"Psh. Bubulong na nga lang, yung dinig pa. Umalis ka na nga dyan. Di mo ba nakikitang pinagtitinginan ka na nila?" nakataas ang kilay na sabi niya sa akin.
Napalingon naman ako at dun ko lang napagtanto na tama nga siya. Medyo nakakahiya nga.
"Ngayon ka lang talaga nahiya eh no?" Kailangan ipamukha?
"Ahhh... hehehe... pasensya na po!" hinging paumanhin ko na lang habang napapayuko dun sa mga taong parang may malalaking question marks sa ulo nila dahil siguro sa kaweirduhan ko.
Ano ba naman to!
"Tsk." At tingnan mo tong isang ito, nagawa pa talagang mang-asar.
Tiningnan ko sya at nakataas pa rin ang kilay niya sa akin. Mahipan ka ng hangin diyan, bahala ka.
"Halika na nga." Hindi na ako umangal pa nang hilahin niya na ako palabas ng school. Pero nang mapansin ko na wala na masyadong taong nakatingin sa amin, bumitaw agad ako sa hawak nya, tapos ay patakbo kong pinuntahan ang dinaanan ng malabs ko. Naandito lang ako sa may gilid at pilit na hinahanap si Jero.
"Tch. As if mahahanap mo pa yun, lumalandi na yun panigurado," nakangising sabi ng panget na ito kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"KYO!!"
"What?" sabi niya as if wala lang yung sinabi nya kanina.
Pinanliitan ko ito ng tingin at tsaka nag-walk out. Parang wala lang din naman sa kanya at sumunod na lang sa akin pauwi. Nasa iisang bahay lang kami nakatira dahil simula pa nung mag-first year college kami, tumira na kami sa bahay ng tita nya na si Tita Jowanne sa kadahilanang mas malapit yun sa College na papasukan namin.
BINABASA MO ANG
Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)
Mystery / Thriller| P A R T 1 - C O M P L E T E - U N D E R . E D I T I N G | "Fake it until you make it." Most of us in this new era were deceived by this lie that has already destroyed many lives. We choose to hide the face of reality under the mask of betrayals an...