- ANDREI "REY" -
"Akala ko di mo na ako papansinin e," sabi nya habang nakangiti. Sya yung isa dun sa mga nakasama ko sa loob ng detention room na yun.
Sya si... Ano nga bang name nya?
"Don't tell me, di mo na ko tanda?" sabi nya sakin nang nakapout. Isang beses ko lang naman sila nameet e. Anong ieexpect nya sakin?
"Ang harsh mo naman. Friend na tayo, di ba?" may kinuha sya sa bulsa nya at maya-maya lang ay itinapat nya yun sa mukha ko.
"Dale Dela Torre," sabi pa nya habang ipinapakita sa akin ang ID niya.
Ok. Double D na lang para di ko malimutan. Sa halip na sagutin sya ay tumango na lang ako sa kanya. Aalis na sana ako nang bigla ulit siyang humarang sa harapan ko. Tinitigan ko lang sya pero sa halip na gumilid ay umiling lang sya kaya kinunotan ko sya ng noo. Bumuntong hininga sya saka ako hinawakan sa magkabilang balikat at iginiya sa isang table.
"T-teka sandali! May kasama ako," paglingon ko kay Chris, pabaling-baling lang sya sa amin habang may alinlangang ngiti.
"Sama ka rin sa amin!" sabi ni Double D at pinaupo si Chris sa tabi ko.
"Kilala mo ba sila?" bulong ni Chris sakin.
"Parang ganun na nga," bulong ko rin sa kanya kahit na ang totoo, matapos ko silang ma-encounter sa detention room ay di ko na sila nakita ulit.
"Kamusta ka na? Ang tagal nating di nagkita ah!" excited na tanong nya sakin.
"I bet di mo na rin sila tanda, sina Caleb, Max at Dustin. May klase pa yung iba kaya kami lang naandito," di talaga sya masyadong jolly, sakto lang...
"Ikaw, anong name mo?," si Chris naman ngayon ang binalingan nya.
"Chris, girlfriend ko si Rey," nakangiti namang sagot ni Chris sa kanya kaya napabaling ang tingin ni Double D sakin.
"Lesbian kayo? Kaya pala di ka tinablan ng charms ko," bulong sakin ni Double D.
"No! Not that girlfriend. Girl na friend," sabi naman ni Chris sa kanya kaya tumango-tango na lang sya.
"Dale, try mo rin minsan kumain di yung puro ka daldal," sabi ng kaibigan niya habang kumakain. Kung di ako nagkakamali ay siya si Max. "Hi sa inyo," bati niya rin sa amin. Himala ata at nakangiti na ito.
"Dustin nga pala," sabi naman ni Dustin at nakipagkamay pa kay Chris. "Long time no see," baling nya naman sakin. I think tapos na syang kumain. Kinuha nya ang DSLR na nakasukbit sa balikat nya at kinuhanan ng litrato ang mesa.
"Tss," si Caleb yan na patapos nang kumain. I'll push my luck na hindi na makalimutan ang mga pangalan nila.
"Seryoso! Totoo ba yan?" Halos manlaki ang tenga ko nang marinig ko ang boses na yun. Di ako pwedeng magkamali.
BINABASA MO ANG
Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)
Mystery / Thriller| P A R T 1 - C O M P L E T E - U N D E R . E D I T I N G | "Fake it until you make it." Most of us in this new era were deceived by this lie that has already destroyed many lives. We choose to hide the face of reality under the mask of betrayals an...