- ANDREI "REY" -
"Ms. Mostera, can you answer number 9?" sabi ng professor namin with matching taas pa ng kilay.
"Po?! ahh ehh..."
Fact about me: Math and I sa isang sentence? Di maaari yun... SYNTAX ERROR yun kumbaga! Ewan ko ba. Kahit anong gawin ko, di ko sya makasundo. Edi be it, wag kung wag! Kung bakit ba kasi pati sa Salesmanship merong computations eh?! Okay sana kung arithmetic lang eh di naman.
"Ms. Mostera, the class is waiting. " Yung kilay ng prof ko sing taas na ng Olimpus Mons. Pigil ang ngiti na namomroblema ako sa isasagot ko nang may kumulbit sa akin.
"Psst... eto oh"
Paglingon ko, awww... Chris savior talaga kita...
"Salamat" Kinuha ko na yung notebook niya at taas ang noo na pumunta sa unahan na akala mo ay isa akong henyo. Mukhang swerte pa rin ako kahit papaano.
"Hmm?.... You're improving huh... Ipagpatuloy mo yan. Alright, you can now take your sit." O di ba napangiti ko ang prof kong kay sungit?
So ano pa ba? Edi umupo na ako matapos akong ngumiti at mag-bow sa lahat ng mga kaklase ko, alangang magmodel pa ako dun. Narinig ko pang bumungisngis yung iba at may bumulong pa habang napapailing, "Baliw talaga itong si Rey."
"Ui! salamat ha," bulong ko kay Chris matapos makabalik sa pwesto ko.
"No prob." Nag-thumbs up pa ito sa akin.
***
Fast forward...
*Brrrnnngggg*
"So that's it for today, class dismissed-"
"YEY!" class
"Class, diretso uwi ha?"
"Yes ma'am!"
Yey! Excited na kong umuwi! Makikita ko na naman ang Jero malabs ko. Lalalalala...
Pumunta na ako sa may pinto nang nagkakandirit.
Hohoho! Kinikilig na ako ngayon pa lang. Ahahaha!
ANLONDEEE KO HOHOHO!
"Ano kayang-AAAHHH! CHRIS ANO BA?!"
Paano ba naman eh bigla niya na lang akong hinila palabas ng school gate.
"Mamaya ka na magreklamo, samahan mo muna ako sa terminal. Libre ko pamasahe mo, okay?" walang pakundangang sagot niya sa akin at walang kaabog-abog na hinila na ako palabas ng school.
"So kaya mo ako tinulungan kanina?" sabi ko sa kanya na punung puno ng sarcasm.
Sa terminal...
"Uy! Ano yan?!" sabi ni Chris sabay sinilip yung tinitingnan ko sa phone ko.
Nilayo ko nga. Sa ngayon, ako lang ang may alam ng secret ko. Secret nga eh di ba?
"Ano ba kasi yan? Ha?" sabi niya na tuloy pa rin sa pagsilip.
"Wala nga..." Todo layo naman ako ng cp ko, kulit e...
"Meron e... Ano nga?"
"Wag mo akong ngitian dyan!..." Kunwari na lang galit ako.
Actually, yung tinitingnan ko ay yung wallpaper ng phone ko. Alam nyo ba yung kwento ng 15 days? Hindi sa naniniwala ako sa mga ganun pero why not try? Wala namang mawawala eh...
So yun nga... ganito yung story nun. Ang sabi, gawin mo daw wallpaper ng phone mo yung picture ng crush mo. Tapos, kung makakatagal yun ng 15 days nang di nakikita ng iba, magkakatuluyan daw kayo nang crush mo na nasa wallpaper mo. O di ba? Wala namang mawawala kung subukan, di ba?
BINABASA MO ANG
Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)
Mystery / Thriller| P A R T 1 - C O M P L E T E - U N D E R . E D I T I N G | "Fake it until you make it." Most of us in this new era were deceived by this lie that has already destroyed many lives. We choose to hide the face of reality under the mask of betrayals an...