Prologue

18 2 0
                                    

"Gusto kita, matagal na!" determinado kong sabi kay Jero habang nakayuko.

Sagutin mo na ako Jeromalabs. Ang tagal kong nag-contemplate kung paano ko ipagtatapat ang lahat sa iyo kaya naman please.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Nakatingin silang lahat sa akin at pagkatapos ay titingin kay Jero kaya napadako rin ang tingin ko kay Jero ko pero hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Hindi siya nakasimangot pero hindi rin siya nakangiti. Blangko lang ang mukha niya at matapos ang ilang segundo (oo, segundo, ganun kabilis) ay nilagpasan niya lang ako at ni hindi man lang tinapunan ng tingin.

Jero, bakit?

Matatanggap ko pa sana kung sinigawan mo na lang ako o sinungitan pero ang hindi pansinin?

Pakiramdam ko wala man lang epekto sa iyo lahat ng mga pagpaparamdam ko magmula noon.

Hangin lang ba talaga ako sa iyo?

Matagal na kitang gusto, alam mo ba yun?

"Yun na yun?"

"Akala ko pa naman may ganap."

"Sino ba kasi iyan?"

"Akala mo naman kagandahan."

Rinig ko lahat ng mga bulungan  nila. Binulong niyo pa talaga, sana nag-mic na rin kayo no para rinig din ng iba.

Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkapahiya kung bakit pero hindi maiwasang magtubig ng mga mata ko.

"You have so much time in your hands. Don't you have any class?"

Isa pa itong isang ito, nakita nang nagmomoment ako eh.

Iaangat ko na sana ang ulo ko kaso sa gitla ko ay may pumigil sa ulo ko at may nagtalukbong sa akin nang medyo may kabigatang bagay dahilan para magdilim ang paningin ko.

"Everyone experiences heartaches but what matters most is how you cope up with it. You may cry a river but do not get drowned by your own tears. Enjoy the waves and let the current sweeps you back to the shore." Naramdaman ko pa ang marahan nitong pagtapik sa ulo ko hanggang sa narinig ko na ang mga yabag ng mga paa nito palayo sa akin. 

It is the same voice from before and it is a he. Kuya yung totoo, bipolar ka?

Pasimple kong sinilip kung sinong nagsalita pero tuluyan na siyang nakaalis. Pasimple ko ring sinilip ang paligid ko nang hindi inaalis ang jacket na ipinatong sa akin ni Kuyang Inglisero pero laking gulat ko na ako na lang palang mag-isa ang nasa hallway.

Hindi ko alam kung bakit pero gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.

Enjoy the waves and let the current sweeps you back to the shore?

Anong ibig niyang sabihin-?

Tama! Yun nga!

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at nagpalinga-linga sa paligid habang yakap-yakap ko ang sarili suot ang jacket ni Kuyang Inglisero.

Salamat Kuyang Inglisero. I will follow your advice.

I will enjoy the waves... Hindi ko susukuan si Jero! I will enjoy my time with him as much as possible!

01292024

~~~
Author's Note: Sorry at ngayon lang talaga ako sinipag maglagay ng prologue sa book na ito. Under editing din po ito so expect some minor changes.

Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon