-CHAPTER 1-

152 1 0
                                    

-CHAPTER 1-

Nakakabingi ang ang tunog ng sirena ng mga pulis nang sunod-sunod itong magdatingan kasama ang grupong medikal.

Samu't saring ingay ang yumanig at bumulabog sa lugar na iyon.

Nadatnan nila ang isang banyagang babae na bakas sa mukha ang galit.

"Please calm down ma'am. Anong nangyari dito?" sabi ng pulis sa isa sa mga nakasaksi ng aksidente.

"Hit and run po ata."

Agad namang sinuri ng pulisya ang pinangyarihan ng aksidente. Hinagilap nila ang lugar na iyon ngunit wala namang nakitang bakas na nagkaroon ng aksidente doon.

"Wala namang ebidensya na na-hit and run ang biktima."

Bahagyang sinipat ng pulis ang katawan ng babae dahil wala namang kahit na ano ang naroon maski na ang patak ng dugo.

"Nagsisigaw lamang po siya at inutusan kaming tumawag sa inyo dahil na hit and run daw po siya."

"We're sorry ma'am but, we don't find any evidence." Bumaling ang pulisya sa biktima.

"What?! Can't you see it? I have wounds on my elbow!"

Sinipat naman ng pulis ang sinabi ng babae ngunit gasgas sa kanyang braso lamang ang nakita ng pulis.

Magsasalita pa sanang muli ang pulisya nang marinig nila ang sigaw ng doktor. Nagtakbuhan ang mga pulis at mga tao sa tabing ilog malapit doon.

Hinarangan nila ang pinangyarihan ng krimen (crime scene tape). Muling umingay ang paligid nang mamataanan nila ang isang babaeng may edad na. Puno ng pasa ang kanyang katawan at nahihirapang dumilat dahil sa pagod niyang katawan.

Agad na inasikaso ng grupo ng medisina ang biktima. Sinuring mabuti ng pulisya ang pinangyarihan ng krimen at doon nakita ang nakakalat na gamit ng biktima. Isa-isa nila itong inilagay sa plastik habang nakasuot ng guwantes, at maingat nila itong pinagsama-sama.

"Mga bata anong ginagawa niyo rito?" anang pulis sa mga bata.

"Eh mamang pulis kanina pa po siya nandyan. Ayos lang po ba siya?"

"Oo, ayos lang siya inaasikaso na s'ya ngayon."

Nakita ng mga bata na isinama ng mga pulis ang kanilang ama.

"Mamang pulis! Bakit nila sinama ang papa ko?" sabi ng batang si Trisha.

"Kakausapin lang sila. Teka, may galos ba kayo? At kanina pa ba kayo rito?"

"Opo mamang pulis." Sagot naman ng batang si Ella.

"Kaibigan po namin 'yun siya kaya nilapitan po agad namin." Sabi naman ni Diwani.

"Kaibigan?"

"Opo!"

"Sir! Kailangan na nating bumalik sa opisina. Ako na ang bahala diyan sa mga bata."

Mabilis na kumilos ang mga pulis at ang grupo ng medikal upang maasikaso agad ang kaso at malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa nasabing insidente.

"Hepe!" sabi ng isang pulis nang makasalubong ang kanilang hepe at sumaludo sa isa't isa.

"Anong balita?"

"Naaresto at nadakip na ang mga pinaghihinalaang suspek, sir."

"Dalhin sa interrogation room ang mga suspek at pagpahingahin muna ang biktima."

"Yes sir!" Muling sumaludo sa isa't isa. "Dito muna po tayo 'nay."

Sabi nito sa biktima. May mga supot na dala at manikang maruming hindi man lang niya mabitiwan kahit na noong mangyari ang krimen. Iniwan ng pulis ang biktima kasama ang mga babaeng pulis.

Nasaan ka nang Mangyari ang Krimen?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon