-CHAPTER 2-

34 0 0
                                    

-CHAPTER 2-

Pinalabas ang naunang suspek at pinapasok ang ikalawa.

"Maupo ka. Nasaan ka nang mangyari ang krimen?"

"Ano pa? Edi ando'n sa mga may utang saken! Aba ilang taon nang palugit ang ibinigay ko hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabayad?! Busy ho ako sa paniningil sa mga tenant kong tamad magbayad, ilang buwan ng di nakakabayad ng upa sa apartment. Sobrang nakakastress ho ang buhay tapos idinamay niyo pa ho ako sa kasong ito na wala naman akong kinalaman. Aba eh dapat nga ay sila ang kasuhan ko! Bakit ba ako andito? " sabi ng babaeng malaman. May nakasabit pa sa kanyang buhok na pangkulot at walang tigil sa kadadada.

"Teka, parang kilala kita ah? Hindi ba ikaw yung babaeng gusgusin no'n na sinubukang magnakaw ng tinapay sa tindahan ng inay Tinang, so ikaw pala ang biktima dito?"

"Kilala niyo ho siya?"

"Oho chief, yan yung babaeng pagala-gala noon sa'min nung bata pa ako, dapat ipakukulong yan ng nanay ko kaso tinulungan nung isang mama, Per... Per..., basta Per ho ang umpisa ng pangalan, yun ho yung tumulong sa madungis na yan. Akalain mo nga ano, magkikita na lang tayo eh sa presinto pa talaga, mukhang nakatadhana kang magapos sa kadena, akala ko pa naman ay gumanda ang buhay mo sa mamang yon, pero isa ka pa din palang basura."

"Dahan dahan ho kayo sa pagsasalita misis, maaari namin kayong kasuhan."

"Pasensya na chief, nakakapaginit lang ng ulo dahil nasayang ang oras ko dito sa para lang sa wala, sa halip na sinisingil ko na ng mga renta ang mga tenant kong tamad magbayad. Hay buhay nga naman oo!"

***

"Hoy! Anong ginagawa n'yo na naman d'yan sa tapat ng tindahan ko?! Magsiuwi na nga kayo't lagi kayong nakatambay diyan! Nawawalan ako ng customer!"

"Aling Marites naman, napakasungit niyo talaga. Sige kayo, tatanda kayong dalaga niyan."

"Aba'y 'wag mo kong maloko-lokong bata ka ah! Hala sige magsilayas kayo! Mga perwisyo nga naman oo!" mabilis na naglakad paakyat si Marites 'saka kinatok nang magkakasunod ang bahay ng tenant.

"Hoy! Aba'y ayaw mo akong pagbuksan?! Baka nakakalimot kanga ko ang may-ari ng bahay na ito? Hoy buksan mo 'to! Anong pets ana hindi ka pa nagbabayad!" maingay na sabi nito at kinatok naman ang kabilang pinto.

"Ikaw d'yan ano? Hindi ka pa rin ba magbabayad?!"

"Grabeng ang aga-aga nag-iingay na naman 'tong babae na 'to."

(Now Playing: Rebolusyon by Gloc 9 ft. Denise) (Chorus)

"Hoy ikaw! Wala kang ginawa kundi maging chismosa! Hindi ka ba napapagod d'yan sa pagiging chismosa mo?!"

"Eh papaano'y kay aga-aga ang ingay-ingay mo! May kumakalat na ngang sakit, idadagdag mo pa 'yang sarili mo sa sakit ng lipunan na 'to!"

"Aba, aba! Sumasagot ka pa talaga ah!"

"'Wag mo akong lapitan at masama ang pakiramdam ko! Baka gusto mong hawaan kita ng virus? O baka naman 'yang ugali mo ang totoong virus! Mga mapang-api!"

"Aba sumosobra ka na ah!"

"Oh, misis kumalma lamang ho kayo." sabi ng isa sa grupo ng medikal at kinuha na ang babaeng nakasagutan ni Marites.

"Buti nga sa'yo! Oh, kayo d'yan? Anong tinitingin-tingin n'yo rito? Lumayas na kayo! Mga chismosa!"

"P'wede ho bang makahingi ng kahit kaunting pagkain?"

"Ano?! Hindi na uso ang hingi-hingi ngayon! Lumayas ka sa harap ko!" sabi nito nang hindi man lang tinitingnan ang namalimos. Habang nag-aayos s'ya ng mga paninda ay may narinig nalang s'yang nagkukumpulan.

"Mga chismosa nga naman oo! Lahat in-a-attend-an! Pero teka, baka may bagong bukas na tindahan doon kaya sila nagkakagulo? Aba! Hindi maaaring may kumalaban sa akin!" sabi nito 'saka nagmamadaling nakigulo sa mga tao.

"Maari ho ba namin kayong maimbitahan sa presinto?"

"Ano? Eh walang magbabantay sa tindahan ko. Tsaka wala naman akong kinalaman d'yan!"

"Kaunting katanungan lamang po madam." Anang pulis. Sumama ma'y panay pa rin ang dakdak ni Marites.

***

"Oh, chief may tanong pa ho ba kayo?"

"Wala naman na misis pero sa susunod ho, babawas bawasan niyo ang pagiging matibil ng bibig niyo, at kayo ho ay tumatanda na, baka ikapahamak niyo pa iyan. Mag-intay na ho muna kayo d'yan habang hindi pa lumalabas ang resulta."

Oh, sige chief una na ho ako." sabay tingin sa biktima. "Sana ay makita na ang totoong gumawa sayo niyan nang wala nang ibang taong napeperwisyo.

ITUTULOY......

Nasaan ka nang Mangyari ang Krimen?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon