-CHAPTER 8-

11 0 0
                                    

-CHAPTER 8-

Buwan-buwan kung magpalitan ng mensahe sina Isagani at Sinag ngunit lumipas ang anim na buwan nang hindi na sumagot si Sinag sa mensahe ni Isagani.

"Want coffee with me?" aya sa kanya ng dalaga.

"Sure."

Sagot ni Isagani sa dalaga. Madalas na kung magkasama ang dalawa sapagkat nagkapalagayan na rin naman sila ng loob. Pareho sila ng eskwelahang pinapasukan kung kaya't halos araw-araw din sila kung mag-usap. Lingid sa kaalaman ni Isagani na itinago ni Elise ang mga sulat ni Sinag sa kanya. Panay padala ng sulat ni Sinag kay Isagani sapagkat hindi na ito sumasagot. Ngunit wala namang natatanggap na mensahe si Isagani sa kadahilanang itinatago ito ng dalagang si Elise.

"Are you okay?"

"Ah, oo. Nag-aalala lang ako't matagal na nang huli kaming makapagpalitan ng sulat ni Siang. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kanila. Naipadala mo ba ang huling sulat ko sa kanya?"

Tanong ni Isagani nang isang beses ay makiusap s'yang ihulog ang kanyang sulat dahil sa biglaang pagpapatawag sa kanya sa trabaho.

"Of course."

Isa pang hindi alam ni Isagani na matagal nang pinutol ni Elise ang komunikasyon nito kina Sinag nang hindi niya talaga inihulog ang mensaheng iyon.

"What if, she didn't really love you? What if that Spanish and that Chinese is one of her lovers now?"

"Malabong gawin ni Sinag 'yan."

Ngunit lumipas pa ang mga taon, tuluyan nang nahulog ang loob ni Isagani sa dalagang si Elise. Di maglao'y nagpakasal ang dalawa at nanirahan sa bansang Amerika.

"Nemuel? Natanggap mo ba ang ipinadala ko sa inyo?"

[Oo kuya. Nasaan ba kayo ni ate Sinag? Bakit hindi na kayo bumalik dito?]

"Hindi kami magkasama ni ate Sinag mo. Matagal na kaming hindi nagkakausap at nagkikita."

[Pero sinundan ka n'ya sa Maynila kuya.]

"Ano? Pasensya na kayo kung hindi ko nabanggit pero kasal na ako, Nemuel. Wala rin ako sa Maynila dahil sa Amerika na ako nakatira."

[Ano kuya? Pero paano si ate Sinag? Matagal na syang 'di bumabalik sa lugar natin!]

"Tatawagan nalamang uli kita okay?"

Madalas mang magkausap sa telepono ang magkapatid ngunit pilit na iniiwas ni Isagani ang usapan patungkol kay Sinag. Paglipas ng panahon, muling bumalik si Isagani sa kanyang bansa kasama ang kanyang pamilya. Mag gagabi na nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila.

"I want to pee dad."

"Okay, let's go. Wait for us, okay?"

Sabi ni Isagani sa kanyang asawa. Habang sinasamahan ang kanyang anak, ay nakita n'yang nagkakagulo na ang mga tao banda sa pwesto kung saan n'ya iniwan ang kanyang asawa. Sa kanyang pag-aalala, pinagmadali n'ya ang kanyang anak at mabilis silang pumunta sa lugar ng kanyang asawa.

"What happen?"

Tanong agad ni Isagani sa kanyang asawa na hawak-hawak ang braso nito.

"The one in the motorcycle hit me!"

Nagtakha pa si Isagani sa asawa nito saka sinipat ang brasong hawak nito. Nakitaan n'ya ng galos ang braso ng kanyang asawa. Magsasalita na sana si Isagani nang lapitan sila ng pulis.

"Maaari ho ba namin kayong maimbitahan sa presinto?"

"Bakit po?"

"Isa ho kasi ang asawa n'yong nadatnan dito nang mangyari ang krimen. Nais lamang ho naming marinig ang inyong pahayag o salaysay."

Nasaan ka nang Mangyari ang Krimen?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon