-CHAPTER 6-

15 0 0
                                    

-CHAPTER 6-

Pinalabas ang pang-apat at pinapasok ang ika-lima.

"Nasaan ka nang mangyari ang krimen?"

"Ay nako sir, gumagala lang naman po ako no'n."

***

Tanghaling tapat nang magchismisan ang mga tao sa tapat ng tindahan ni aling Marites.

"Uy alam n'yo ba? 'Yung mayamang pamilya ay uuwi na raw?"

"Ay talaga? Bakit daw?

"Hindi ko nga rin alam. Basta ang alam ko lang ay nagkaroon daw ng problema don sa bansa nila."

"Hay nako, baka naman mahawa pa tayo sa problema nilang 'yan ah? Dapat ay hindi na muna papasukin 'yon sa bansa natin baka naman pwedeng ipasara muna ang ang biyahe papunta rito?"

"Ewan ko ba, ang balita ko'y hinayaan ng ating presidente na makapasok sila."

"Nako ano na ang gagawin natin? Teka, hindi ba't sila Cheena iyon?"

"Oo nga! Mga kapitbahay! Dumating na ang mga Cheng!"

Naglabasan naman ang mga tao upang matanawan ang mga Cheng. Binalot ng bulungan ang kanilang lugar.

"Sino 'yung kasama n'ya?"

"Ano ka ba? Anak nila 'yan, si Covina."

"Hello po!" magiliw na bati sa kanila ng dalaga.

"Hi!"

"Halika na anak, marami pa tayong aasikasuhin."

"Ma, dito po muna ako."

"Basta matapos mong makipag-usap ay umuwi ka na."

"Okay po! Hi ate!"

"Ay hello! Ilang taon ka na?"

"19 po!"

"Aba'y napakasigla mo namang bata ka!"

Tuwang tuwa ang magkakapitbahay nang makausap nila si Covina. Tila ba'y kay tagal na nilang kilala ang isa't isa sa pagiging aktibo ng dalaga. Matapos makipag-usap ni Covina sa kanila ay umuwi na ito.

Nadatnan n'yang nanonood ng telebisyon ang kanyang ina.

"Ma! I'm here na po!"

"How's your day? "

'Ayon sa ulat ng kanilang presidente, mabilis nang kumakalat ang virus sa buong syudad ng kanilang bansa. Samantala, maraming mga tsino ang nagpunta sa ating bansa samu't saring reklamo naman ang aming natanggap sa mga residente. Ayon sa kanila, dapat ay sinara muna at hindi nagpapasok ng mga tsino sa ating bansa dahil baka pati tayo ay mahawa rito. Mistulang naging evacuation center daw ang ating bansa ayon sa mga ito. Wala pang pahayag ang ating presidente patungkol dito.'

"Galit ba sila sa atin mama?"

"Lugar din naman natin ang Pilipinas. May karapatan din tayong manirahan dito."

Lumipas pa ang ilang mga araw nang manirahan na nga sina Cheena kasama ang kanyang anak na si Covina. Umugong ang bulung-bulungan na ang mga residente raw sa kanilang lugar ay halos hindi na makahinga at hindi na makatayo. Isinugod ang mga ito sa ospital at napag-alaman na ito ay nahawa sa naturang virus.

"Ate ano pong nangyayari? Nasaan po sila ateng nakausap ko nung umuwi po ako rito?"

"Ayon! Isinugod sa ospital, bigla nalang daw nahirapan huminga. Mukhang kumalat na ang virus dito sa Pilipinas! Buhay nga naman oh!" sabi ni aling Marites.

"Ang alam ko ay marami na ring naapektuhan ng sakit! Mabilis nang kumalat!" sabi ng isang kapitbahay.

"Ang mabuti pa siguro ay 'wag na munang lumabas ng bahay."

"Papaano naman ang hanap buhay natin?!"

"Lahat kayo ay magsipasok sa inyong mga tahanan! Mayaring sumunod na lamang kayo kundi ay may karampatang parusa para sa inyo!"

"Nako uuwi na ako! Baka pagbayarin pa ako!"

Ngunit tila ba'y walang narinig si Covina. Gumala lamang ito nang gumala. Bawat madaanan niya'y tila nanghihina. Inilibot n'ya ang kanyang paningin at nakita n'ya kung papaanong magmakaawa ang mga tao, habang nakaluhod pa ang mga ito.

Nanghihingi ng tulong ang mga tao ngunit parang bingi at bulag ang mga taong hinihingian nila ng tulong. Nakakalungkot pang isipin na sa panahong lahat ay naghihirap, pulos kayamanan pa rin ang nasa isip ng mga tao.

Nagtakbuhan ang mga ito dahil mayroon daw aksidente ang nangyari sa tabing ilog. Nakitakbo naman si Covina sa mga ito at pilit na isinksik ang kanyang sarili sa mga tao.

"Maari ka bang maimbitahan sa presinto?"

"Bakit po?"

"May mga itatanong lang kami sa'yo."

Hindi na umimik si Covina at basta na lamang sumama sa mga pulis.

***

"Sige na iha, maaari ka na munang lumabas. Intayin mo nalamang ang resulta."

"Sige po sir! Maraming salamat po."

ITUTULOY......

Nasaan ka nang Mangyari ang Krimen?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon