-CHAPTER 4-

19 0 0
                                    

-CHAPTER 4-

Walang nagawa si Bunoy kundi ang sumama sa mga ito kasama ang mga kabataang nagsisitakbuhan din. Panay ang palag ni Bunoy sa mga barangay tanod at pulis. Isinakay sila sa patrol ng barangay. Bahagya pang sumigaw si Bunoy upang makahingi ng tulong sa mga kaibigan n'yang nadaanan nila. Bakas naman ang gulat sa mukha ng mga kaibigan n'ya. Tumakbo naman ang mga ito upang tawagin ang magulang ni Bunoy.

"Nasaan ang bag?" tanong ng tanod.

"Wala po sa kin. Wala naman po kaming dalang bag." Anang isang totoy.

"'Wag n'yo nang itago. Ilabas n'yo na."

Ngunit nakita ng pulis ang bag na itim na nasa kamay ni Bunoy. Kinuha ito sa kanya at binuksan nila ito. Punong puno ito ng pinagbabawal na gamot. Nagkatinginan ang mga kabataan at nagyukuan maliban kay Bunoy na hindi alam ang nangyayari. Inosenteng inosente.

"Bakit ka may ganito, totoy?" tanong ng pulis.

"Nako hindi po 'yan sa akin! May naghagis lang po n'yan sa akin kanina." Depensa ni Bunoy.

"Sigurado ka ba?"

"Opo!"

Sinuyod ng tingin ng pulis si Bunoy at ang mga kasama nitong kabataan. Hindi tulad ni Bunoy, malinis tingnan ang mga ito. Mukhang maayos ang buhay, disenteng disente. Si Bunoy naman ay bahagyang sira ang tsinelas at may gusot-gusot na damit.

"Anak! Anong nangyari ha?" bungad ng kararating na nanay ni Bunoy.

"Nagtakbuhan ang mga kabataang ito nang makita kami. Papaano'y nakita naming silang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot."

"Hindi ho ako kasali don sir! 'Nay hindi po ako kasali."

"Eh hindi naman pala kasali ang anak ko doon eh! Halika na umuwi na tayo."

"Saglit lamang ho misis. Kailangan pa naming makausap ang magulang ng mga kabataang ito."

Itinuro n'ya ang mga kabataang nasa gilid ni Bunoy.

Maya-maya pa'y nagsidatingan na ang mga magulang ng iba.

"What's going on here?"

"Son, what happened?"

"Oh my! Are you okay anak?"

Pinasadahan ng tingin ng mga pulis ang mga bagong dating na nanay. Katulad ng kanilang mga anak, maayos ang mga ito. Halatang may kaya sa buhay. Samantalang ang nanay ni Bunoy ay nakasuot ng mahabang daster at nangungulubot na ang balat.

"Nahuli po ang mga anak ninyo na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot."

"Is that true?" baling ng ina sa kanyang anak.

"No mom! Of course not!"

Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay 'di s'yang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Nag-ilingan naman ang mga pulis at barangay tanod sa panay pagtanggi ng mga kabataang ito. Lumapit ang mga nanay ng mga menor de edad sa mga pulis at barangay tanod. Kung mag-usap ang mga ito'y para bang magkakakilala na sila. Maya-maya pa'y pinaalis na ng mga pulis ang tatlong kabataan kasama ng mga nanay nito.

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo

"Halika na anak, uuwi na tayo."

"Saglit lang ho misis, saan ho kayo pupunta?"

"Aalis na ano pa ba?"

"Hindi ho maaari. Nagkasala ang anak ninyo."

Nasaan ka nang Mangyari ang Krimen?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon