-CHAPTER 3-

19 2 0
                                    

-CHAPTER 3-

Pinalabas ang ikalawa at pinapasok naman ang ikatlong suspek.

"Nasaan ka nang mangyari ang krimen?" muling tanong ng pulis.

Hindi naman sumagot ang menor de edad na lalaki nakatulala lamang ito at mamula-mula ang mata.

"Totoy, bakit hindi ka sumasagot?" natauhan naman ang ikatlong suspek.

"Ay sir, pasensya na po, ano nga po uli 'yon?" napabuntong hininga ang pulis at muling nagsalita.

"Nasaan ka kako noong mangyari ang krimen?

"Ah, ah n-nasa bahay po ako ng kaibigan ko sir!"

"Bakit namumula ang mata mo ikaw? Ikaw ba ay gumaga—"

"Ay nako hindi po sir! Nagkasiyahan lang po kaming magkakaibigan, di kami natulog at may mga oras na nag iiyakan po kami kaya namumula ang mata ko." mahabang paliwanag nito.

Hindi naman kumbinsido ang pulis sa kanyang inihayag.

***

"Pst! Pst! Bunoy! Tara dito dali!" tawag ng kanyang ama na si Berting.

Nadaanan na naman niya ang kanyang ama sa kalsada habang nakikipag-inuman ito sa mga kasamahan niya.

"Mano po 'tay. Bakit po?"

Inakbayan ng kanyang ama si Bunoy. Halata sa mukha nito ang pagkalasing na bagama'y tanghaling tapat pa lamang.

"Eto ang anak ko p're."

"Eh pare araw-araw mo naman pinakikilala samin 'yang anak mo eh. Sabog ka ba?" sagot ng kanyang kaibigan na si Wood at nagtawanan ang mga kasama pa nila sa inuman.

"Hahaha! Pare, ipinagmamalaki ko lang naman 'tong anak ko. Oh, s'ya sige na, umuwi ka na doon sa bahay mamaya uuwian kita ng chicks." sabi ng ama ni Bunoy sa kanya. Bahagya pa s'yang itinulak ng ama papalayo at nagtawanan silang magkukumpare.

"Talaga nga namang ang bilis ng panahon! Aba'y binate na 'tong anak mo ah? Oh, sige na totoy umuwi ka na daw sabi ng tatay mo."

Bagama'y pawis na pawis na si Bunoy ay ipinagpatuloy pa rin n'ya ang paglalakad pauwi sa kanilang tahanan galling eskwelahan.

"Hoy Bunoy! Tara laro tayo ng computer!" tawag sa kanya ng kaibigang si Berto.

"Mamaya na! Kakain muna ako at galing ako sa eskwela!"

"Sige bilisan mo!"

Tumakbo si Bunoy papauwi sa kanila dahil gaya ng nakaugalian n'ya, nasasabik s'ya laging makipaglaro sa mga kapit-bahay nila matapos ang kanyang klase.

"Nay! Nandito na po ako!" nagmano sya sa ina.

"Magbihis ka na muna't pawis na pawin ka na. Pagtapos ay kumain ka na."

"'Nay, maglalaro lang po ako sa labas pagtapos kumain, nagkayayaan ang tropa eh."

"Ay nako, gawin mo muna ang mga assignment mo. Kapag ako pinatawag sa eskwelahan mo ay hihinto ka sa pag-aaral naiintindihan mo?"

"Opo nay!

"Sige na, tapusin mo na 'yang pagkain mo at ako'y magtitinda muna ng kakanin sa labas. Nasaan ba yung magaling mong ama at hindi ako tinutulungan sa paglalako nitong mga toh?"

"Eh 'nay nakita ko s'ya doon kanina. Tinawag pa nga ako eh, nag-iinuman sila nila mang Wood."

"Hay nako 'yang tatay mo! Wala nang ginawang mabuti! Buhay nga naman oh! Sige na aalis na ako. Isara mo ang bahay pag labas mo para di makapasok 'yang magaling na ama mo."

"Opo 'nay! Ingat po!"

Matapos kumain ay hinugasan ni Bunoy ang mga natirang hugasin sa kanilang lababo 'saka sinarado ang kanilang bahay.

Patakbong lumabas ng iskinita si Bunoy sa kasabikang makipaglaro.

"Ang tagal mo naman?"

"Ano ka ba p're? s'ya nga ang baby ng kanyang mga magulang." Sabi ni Caloy na kaibigan n'ya rin.

Nagtawanan naman ang magkakaibigan.

"Mga loko talaga kayo! Ano bang nilalaro n'yo ah?"

"Anong laro pare? Chicks 'toh p're. Chicks!"

"Makikipagkita kami dito mamaya siguradong marami rin 'tong kasamang mga kaibigan n'yang sexy! Ano sama ka ba?"

"Mga sira talaga kayo. Kayo nalang, may project pa 'kong gagawin."

"Anong project 'tol? Bukas mo na 'yan gawin tutulungan ka pa naming."

"Oo nga 'tol. Mas uunahin mo pa ba naman 'yang project mo kaysa sa mga chicks na 'tph? Tingnan mo nga oh, ang gaganda tapos ang se-sexy pa! Maputi pa! San ka pa?!"

"Puro talaga kayo kalokohan."

"Ay wala 'toh mahina. Ano? Sasama ka ba? Sumama ka na."

"Bahala na, bahala na. Maglaro na muna tayo dali na."

"Oh, excuse lang oh, daraang gwapo." Sabi ng may-ari na may bitbit na malaking speaker

"Oh, ano na? laro na!"

"Oh, suot n'yo na headphone. Nilabas na ni kuya bantay yung napakalaking speaker n'ya"

Sabi nito at nagtawanan silang magkakaibigan.

(Now Playing: Tatsulok by Bamboo)

Totoy, bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy, tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

"Gabi na 'tol, uwi na muna ako."

"Ano? Hindi ka talaga sasama?"

"Sa susunod nalang siguro."

"Hay nako bahala ka, ikaw rin."

Nagpaalaman ang magkakaibigan at tuluyan nang umalis si Bunoy.

Totoy, makinig ka, 'wag kang magpa-gabi
Baka pagkamalan ka't humandusay d'yan sa tabi
Totoy, alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito?

Dahil sa iskinita s'ya nakatira, wala na ganoong katao sa labas. Ngunit mabilis s'yang napailag dahil parang may isang hanging malakas ang dumaan sa kanyang tagiliran. Isa itong grupo ng mga kabataas na nagtatakbuhan.

Nagulat s'ya nang may ibatong bag ang isa sa mga ito. Sunod-sunod na pito ng mga barangay tanod at pulis ang kanyang sunod na narinig. Napakabilis nang pangyayari sapagkat hinahabol na rin si Bunoy ng mga barangay tanod at pulis. Wala itong nagawa kundi ang tumakbo.

Nadampot ng mga ito si Bunoy kasama ang mga kabataang nagtatakbuhan ngunit ang iba ay nakatakas.

"Kuya wala po akong kasalanan."

Nagpupumiglas ito at sinubukan pa n'yang makatakas ngunit nabigo s'ya.

ITUTULOY......

Nasaan ka nang Mangyari ang Krimen?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon