-CHAPTER 5-
Pinalabas ang ikatlong suspek at pinapasok ang ika-apat.
"Nasaan ka nang mangyari ang krimen?"
"Nagtatrabaho ho ako no'n sir, ako'y nangongolekta lamang ng mga basura. Dili ko man alam ano nangyari sir, wala naman ako kasalanan" sabi ni Alberto.
***
Isang magandang araw agad ang sumalubong kay Trisha pagmulat ng kanyang mga mata. Nilanghap pa n'ya ang hangin ngunit nadismaya. Bagama'y lumaki ito sa tabing ilog na may bundok ng basura ay tila ba hindi pa rin n'ya nagugustuhan ang masangsang na amoy nito.
"Oh anak, gising ka na pala. Saluhan mo muna akong kumain."
"Pa, pwede po ba kaming maglaro mamaya? Gagawa rin po kasi kami ng assignment nila Diwani at Ella eh." Sabi ng kanyang anak na si Trisha.
"Oh, sige basta 'wag kayong magpapagabi at 'wag lalayo ah?"
"Opo!"
"Sige na, tapusin mo na 'yang kinakain mo at ako'y aalis na. Magtatrabaho ako. Nakatakip na r'yan ang kakainin mo mamayang tanghali ah?"
"Hindi ka po rito kakain?"
"Baka hindi na muna anak. Sa-sideline din kasi ako ngayon para mabilis tayong makaipon. Mangingisda ako doon sa kabilang bayan matapos kong mangolekta ng mga basura."
Napatingin si Trisha sa labas ng kanilang bahay. Kitang kita n'ya kung papaanong diretsong itinatapon sa ilog ang mga kalat at kung anong kemikal galing doon sa isang pagawaan. Muli n'yang naalala ang nakitang basura sa loob ng isda noong isang beses na may mahuling isda ang kanyang ama.
Nang matapos s'ya sa kanyang pagkain ay nadatnan na n'yang kumakaway sa kanya ang kanyang dalawang kaibigan na sina Diwani at Ella. Mabilis s'yang kumilos upang makalabas sa kanilang bahay.
"Halika na! Saan tayo maglalaro? O kukuha muna tayo ng litrato?"
"Maglaro muna tayo!" sabi ni Ella.
"Halika doon tayo sa ilog!" ang isa pa nilang kaibigan na si Diwani.
(Now Playing: Anak ng Pasig)
Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig
Nagisnan ang ilog na itim ang tubig
Lumaking paligid ng bundok na umuusok
Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulokIto ang buhay ng anak ng Pasig
Swimming-swimming sa itim na tubig
Playground lang ang bundok ng basura mo
Musika'y ugong ng kotse at bangka n'yoNapahinto ang magkakaibigan sa kanilang pagtakbo. Unti-unti ring Nawala ang ngiti sa kanilang mga mukha nang makita kung gaano karaming basura ang naroon. Bundok-bundok na basura ang kanilang namataan kasama ang mga batang ginawang palaruan ang ilog na tinambakan ng napakaraming basura. Pinagmasdan nila ang kabuuan ng lugar na iyon, wala silang ibang nakita kundi puro basura.
"Oh, anak!"
"Papa!"
"Andito na pala ang mga kaibigan mo. Maiwan na muna kita rito at iyong mga kaibigan at ako nama'y mangingisda doon sa kabilang bayan."
Tango lang ang kanyang isinagot sa kanyang ama na abala sa pagpipili ng kanyang mga nalikom na basura. Ang mga natira nama'y basta nalang itinambak ng kanyang ama sa tabing ilog atsaka nila ito pinanood na hayaang anurin ng tubig ang mga basura. Nagkatinginan ang magkakaibigan at nagpaalam sa ama ni Trisha.
"Ay teka!"
"Bakit?" tanong nung dalawa.
"May ipakikita ako sa inyo. Nakita ko sa aparador ni tatay."
BINABASA MO ANG
Nasaan ka nang Mangyari ang Krimen?
Historical FictionIsang aksidente ang maglalabas lahat ng kasalanan ng bawat isa. Napagbigyan magsalita ng sari-sariling panig. Ngayon ay tatanungin rin kita, nasaan ka nang mangyari ang krimen? Note: This story is work of fiction but the story itself is the reality...