-CHAPTER 9-
Lumipas ang mga araw, nagsimula nang magtrabaho sa peryahan si Sinag at nakilala din ang kanyang pangalan bilang Dyesebel dahil sa kanyang pagtatanghal tuwing gabi sa patalastasan ng peryahan ni Peryong. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napalapit nang husto ang loob ni Peryong kay Sinag hanggang sa ginusto na niyang ibigin ang dalaga.
"Sinag..." abala si Sinag sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.
"Peryong, naparito ka, bakit? May ipagagawa ka ba?"
"May gusto lamang akong sabihin sayo."
"Ano 'yon?"
"Gusto kita Sinag. Gustong gusto kita..."
"Peryong... hindi mo ako maaaring gustuhin, mayroon na akong sinisinta at siya ang dahilan kung bakit ako naparito sa Maynila."
"Ngunit Sinag, ilang buwan na ang nakalipas, wala na siya, hindi mo na siya mahahanap, hindi na siya babalik sayo!"
"Mahal ko siya Peryong! Mahal ko si Isagani, alam kong babalik siya sa akin, alam kong hinahanap niya din ako!" pasigaw na sinabi ni sinag at humagulgol ito sap ag-iyak.
Labis ang pagkasabik ni Sinag na makita at makasamang muli ang kanyang sinta kung kaya't nais niya ipaintindi kay Peryong na hindi siya maaaring ibigin nito. Simula ng gabing iyon, labis ang pagkadurog ni Peryong sa mga sinabi ni Sinag, at nilamon siya ng pagkasabik kay Sinag.
Lumipas ang tatlong araw, naging mailap ang relasyon ng dalawa, iniwasan na muna ni Sinag si Peryong na naging dahilan upang lalong lumaki ang poot sa puso ni Peryong. Isang gabi, malakas ang pag-ihip ng hangin, bumugso ang malakas na ulan at sumabay ang pag-igting ng nakakabinging ingay ng kulog at kidlat, mahimbing na natutulog si Sinag. Hindi niya namamamalayan ang pagpasok ni Peryong sa kanyang silid, nanlilisik ang mga mata na para bang nasapian ng masamang elemento. Nagising si Sinag nang maramdaman niya ang paghaplos ng isang kamay sa kanyang mga binti pataas sa kanyang hita.
"Peryong..." labis ang takot at kaba sa kanyang dibdib), anong ginagawa mo dito?
"Shhhh, wag kang mag-alala mahal ko, hindi masakit ang gagawin ko sayo, tiyak na masisiyahan ka sa ating pagsasaluhan sa malamig na gabing ito." Nakangising sabi nito.
"P-peryong, p-parang awa mo na, wag mong gagawin sa akin ito." nagmamakaawang sambit niya habang pilit na inaalis si Peryong sa kanyang taas.
"Akin ka lang Sinag, akin ka lang!"
At sinimulan na niya ang maitim niyang balak sa dalaga, walang nagawa si Sinag kundi umiyak at pumiglas sa takot na siya ay patayin nito. Nang matapos na gawin ni Peryong ang kahalayan sa dalaga, ay biglang umalingaw ang malakas na tunog ng nagmumula sa mga pulis, agad umalis si Peryong sa kwarto ng dalaga at iniwan itong tulala.
"Sumuko ka na Peryong, nang wala nang iba pang madamay."
"Hindi niyo ako mahuhuli HAHAHAHA, magsama-sama tayo sa impyerno."
Umalingaw ang malalakas na putok ng baril sa buong paligid na nagpagising sa diwa ni Sinag, habang nagkakaputukan, nagsimulang ayusin ni Sinag ang kanyang mga gamit at dali-daling tumakas sa lugar na iyon. Hanggang sa...
*BANG...BANG...BANG*
***
"Ma'am."
"Yes, sir?"
"Samahan mo muna itong si Peryong kasama iyong mga suspek."
"Yes, sir."
"Dok, kumusta naman po ang biktima?"
BINABASA MO ANG
Nasaan ka nang Mangyari ang Krimen?
Historical FictionIsang aksidente ang maglalabas lahat ng kasalanan ng bawat isa. Napagbigyan magsalita ng sari-sariling panig. Ngayon ay tatanungin rin kita, nasaan ka nang mangyari ang krimen? Note: This story is work of fiction but the story itself is the reality...