-CHAPTER 7-

12 0 0
                                    

-CHAPTER 7-

Nang matapos ang pagtatanong-tanong ng polisya sa mga suspek, kanila naman kinausap ang biktima.

"Ah sandali lamang po at may darating pa pong pinaghihinalaang suspek."

Maya-maya pa ay dumating na nga ito.

"Magandang hapon ho sir." Disenteng disente ang bagong dating.

"Magandang hapon rin po, maupo po kayo. Pinapunta ho namin kayo dito para tanungin kayo kung nasaan kayo nang mangyari ang krimen?"

"Nasa ibang bansa po ako't kasama ang pamilya ko sir. Kararating ko lamang."

"Kilala nyo ho ba itong biktima sir?"

Sinipat pa muna nito ang naturang biktima at bahagyang natigilan ang huling pinaghihinalaang suspek 'saka utal-utal na sumagot.

"Hindi ho sir." naiilang at kinakabahang tugon ng huling suspek.

"Sigurado ho ba kayo?" hindi sumagot ang suspek at bahagya lamang itong natigilan.

***

"Kuya, hanggang kailan ba tayo magtatrabaho? Napapagod na ako eh."

"Kaunting tiis nalang bunso at pag nakakuha ako ng magandang trabaho pagtapos ko sa kolehiyo, ay hindi ka na mapapagod sa pagtatanim at luluwas tayo pa-Maynila para sa magandang buhay."

Bahagyang umupo si Isagani at hinawakan ang balikat ng kanyang nakababatang kapatid.

"Kaya ikaw, pagbutihin mo ang pag-aaral mo, para paglaki mo, makakuha ka nang magandang trabaho ha?"

"Opo kuya, idol nga kita eh. Ay kuya oh, si ate Sinag!"

Lumingon naman si Isagani at doon nga niya nakita ang napakaganda niyang kasintahan na si Sinag.

Magandang ngiti ang naging salubong ni Isagani kay Sinag.

"Kumain na muna kayo at magpahinga. Papalubog na ang araw ano bang ginawa niyong dalawa?"

May dala-dala itong pagkain na kanya naman iniabot sa magkapatid. Sabay-sabay silang sumilong sa munting kubo.

"Napakaganda mo talaga ate Sinag!"

"Nako ikaw 'kay bata-bata mo pa bolero ka na. Kumain ka na nga lang at nang mabawi mo ang lakas mo."

Sinimulan nila ang pagkain habang si Sinag ay tuloy pa rin ang pagsisilbi sa dalawa.

"Paglaki ko gusto ko ay maging nobya ka rin ate Sinag!"

"Anong sinasabi mo riyan? Humanap ka ng sarili mong nobya at kasintahan ko 'yang nagugustuhan mo."

"Ah basta! Pangako ate Sinag mamahalin kita at 'di sasaktan."

"Hindi magmamahal si Sinag ng batang gusgusin at napulot lang sa tae ng kalabaw."

Naghampasan ang dalawang kapatid at walang tigil naman sa katatawa si Sinag.

"Magsitigil na nga kayo. Puro kayo kalokohan."

"Ito kasi, tinatangkang agawin ka sa akin."

"Huwag mo nang patulan, bata lamang iyan, magbabago pa ang pananaw sa buhay." Nakangiting sambit ni Sinag kay Isagani.

"Ate Sinag, ano 'yang nasa pulsuhan mo?"

Tanong ni Nemuel nang makita n'ya ang nagmistulang araw na balat ni Sinag sa kanyang pulsuhan.

"Ah, balat ko ito."

Nakangiting sambit ni Sinag kay Nemuel. Hanggang sa tuluyan na ngang dumilim at nagpasyang uuwi na sa kani-kanilang tahanan.

Nasaan ka nang Mangyari ang Krimen?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon