Salamat sa Iyo

61 1 0
                                        

Siya ay isang totoong kaibigan

Kaibigang lagi kong maaasahan

Lagi Siyang nariyan

Upang ako ay tulungan

Kapag ako ay may nais sabihin

Nariyan Siya upang makinig sa akin

At sa tuwing ako’y may suliranin

Narisyan Siya upang ito’y sagutin

At kahit tayo ay may nagawang mali

Kabutihan pa rin ang Kanyang sinusukli

Walang hanggang tayo ay patawarin

Mabuting loob, tayo ay mahal pa rin

Hindi man Siya makita ng mga mata

Ang puso naman ang siyang makadarama

Ang pagmamahal na ibinibigay Niya

Ang mga inihahandog Niyang mga biyaya

Gumagawa ng mga paraan upang tayo’y mapasaya

Ipinapaalam sa’tin,huwag mawalan ng pag-asa

Saan man, kailan man, nariyan Siya

Salamat sa Iyo, aming Diyos na may likha.

Last month ko pa to nagawa pero ngaun lang nakapag-post. :)

Thanks for reading!

~Janeleven

MY POEMSOnde histórias criam vida. Descubra agora