Tayo

16 1 0
                                    

Noong una’y hindi kita kilala
Ngunit hindi ko sinarado ang pinto
Kaya ikaw ay pumasok na
At ako’y naging kaibigan mo.

Ayos lang naman sa akin
Mabait ka, palabiro, tayo’y nagkakasundo
Nariyan ka para ako’y kausapin
Sa mga panahong mag-isa ako.

Isang araw, sinabi mong mahal mo ako
Pero tinawanan lang kita
Akala ko’y hindi ka seryoso
At gusto kong makapagtapos muna.

Magkaibigan pa naman tayo
At ang sinabi mo’y aking kinalimutan
Dahil alam kong ikaw din ay magbabago
At makakahanap ng ibang magugustuhan.

Ngunit nagulat ako nang sabihin mong hindi ka susuko,
“Mahal kita kaya maghihintay ako.”
Hindi alam kung anong isasagot
Sa puso ko’y may naramdamang kirot.

Lumipas pa ang araw at ako’y nagkagusto na
Sa tuwing wala ka ay hinahanap kita
Naiinis dahil wala ka nang panahon sa’kin
Ang trabaho mo na ang pinagtuunan ng pansin

Umiiyak ako sa tuwing wala ka
Iniisip na baka may iba ka na
Ayos lang. Hindi naman kita gusto no’ng una
Kaya ko namang mag-isa

Ilang beses kong sinubukang lumayo
Ako ay nagpaalam na sa’yo
Ngunit ayaw mo’t pinigilan ako
Ang sabi mo’y ako pa rin ang mahal mo

“Wala akong ibang gusto kundi ikaw”
Pinaliwanag mo sa’kin ng malinaw
Ako lang ang iyong iibigin
At hindi ka magsasawang ako’y hintayin

Ngayon ay malapit na ang aking pagtatapos
Nariyan ka pa rin at nagmamahal ng lubos
Gusto kita, ngunit ako’y takot pa rin
Magulang ko’y baka hindi ka tanggapin.

“Hayaan mo na, gagawa ako ng paraan”
Ang sabi mo’y gagawin mo ang lahat at ako’y pakakasalan
Kaya sige, ating subukan
Ang iyong kamay ay aking hahawakan.

Pag-ibig na nga itong naramdaman
Nais ipabatid na ako’y sa’yo lang
Sa iyong sinabi’y natuwa ako
“Walang susuko. Lalaban tayo.”

** Janeleven **

MY POEMSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora