Bakit?

47 0 0
                                    

Bakit sa tuwing lalapit ako, ika'y lumalayo?
Anong kasalanan ko sa'yo?
Bakit kailangan mong gawin ito?
Bakit tayo humantong sa ganito?

Dahil ba ako ay maitim
Kaya ayaw mo sa akin?
Dahil ba ako ay maliit
Kaya sa'kin ikaw ay galit?

Bakit ka ba ganyan?
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan?
Meron din naman akong pakiramdam
Ngunit bakit ika'y parang walang pakialam?

Kung may isa pang pagkakataon
Nais kitang makita
At sa panahong iyon
Sana hwag kang mataranta

Alam mo bang nasasaktan din ako?
Sa bawat hampas na tinatamo ko sa'yo
Sa bawat tapak ng tsinelas mo
Sa bawat sigaw tuwing narito ako

At ngayong ako'y naghihingalo na
Tila ba ika'y napakasaya
Siguro nga nais mo na akong mawala
Ito na ang huli, kaya paalam na.

Nagmamahal at nagnanais mahalin,
Ipis.

~ ~ ~
Huhu, namatay sya. Nakakaiyak ba? XD

Dedicated kay ipis nga pala. Hahaha.
(Alam na nila nararamdaman mo.)
Hala, nababaliw na ata ako?

Salamat sa pagbabasa!
~Janeleven

MY POEMSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang