Paalam, Mahal Ko

209 5 3
                                    

Di ko akalaing mangyayari ito sa akin.

Ginawa ko na ang lahat

ngunit bakit ganun pa rin?

Minahal kita ng lubos

Ikaw ang laging nasa isip

At sa aking paghimbing

Ikaw ang nasa panaginip

Ikaw ay parang isang bituin

na nagniningning sa langit

Ako naman ay isa lang 

sa bilyong nais kang makamit.

Ngunit bakit?

Ba't di mo ako nagustuhan?

Di mo ba gustong

ikaw ay aking makamtan?

Siguro nga,

kailangan ko ng tanggapin.

Ikaw ay hindi nararapat para sa'kin.

Mahirap man,

ngunit dapat na kitang kalimutan.

Baka may iba talagang

sa akin ay nakalaan.

Kaya isa nalang ang aking sasabihin,

PAALAM.

Paalam na sa iyo,

aking minamahal na Accounting.

Inspired 'to. Haha.

May required grade kasi kami sa Accounting namin, eh pasang awa lang ako kaya yun, nagawa ko 'to. XD

Salamat sa pagbabasa.

~ Janeleven

MY POEMSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora