Kanina ay sabik na sabik ako
Dahil ikaw ay makakasama ko
Ikaw ay makakaharap ko
Ikaw na aking gusto
Pero ngayong kaharap na kita
Ako ay nadismaya
Ganito ka pala?
Parang ayaw ko na.
Naghintay ako ng matagal
Dahil ikaw ay mahal
Pero pasens'ya ko'y hindi na magtatagal
Bakit ba ang bagal?
Ngayon ay may gusto akong itanong sa'yo
Hindi ba tayo konektado?
Atens'yon ko'y sa'yo lamang nakatuon
Bakit ba ang bagal ng connection!?
~ ~ ~
Ayan, nakagawa ako ng tula dahil sa slow connection. Dapat ba maging masaya ako?
Hayysss..... Kahapon ko pa 'to nagawa. Tsk. Tsk. Tsk.