Pag-ibig nga ba ang nararamdaman
Ng pusong hindi maintindihan
Ito ba ay totoo o kathang isip lamang
Dahil ito'y gustong maranasan?Pag-ibig nga ba ang nararamdaman
Kung puno ng duda ang isipan?
Ang bawat salita'y 'di pinaniniwalaan
Ang katapatan ay pinaghihinalaan.Pag-ibig nga ba ang nararamdaman
Kung ang mga mata'y laging luhaan
Kung puso'y sakit ang nararanasan
Kung lungkot lang ang tanging nariyan.Pag-ibig nga ba ang nararamdaman
Kung ang dalawa'y walang pinagkakasunduan
Kung araw-araw ay awayan
Mga bagay na hindi mabigyan ng kasagutan.Pag-ibig nga ba?
