Nang una kitang makita
Ibang saya itong nadarama
Hindi naman ito sinadya
Ngunit parang tayo talaga ang nakatadhana
Sa pagtagal na ikaw ay nakikita
Ako sayo ay may gusto na
At ika'y gano'n din, mahal na kita
Tayo na, aking sinta.
Ngunit may problema sa'ting pagmamahalan
Tulad ng mga teleseryeng inaabangan
Mayro'n din sa'tin ay humahadlang
Bakit ba tayo pinapahirapan?
Hindi raw minamadali ang pag-ibig
Kailangang maghintay, kailangang magtiis
'Sa tamang panahon' laging bukambibig
Sa'tin ang hatid ay puro pasakit.
Marami akong gustong itanong
Bakit ba hindi pa ngayon?
Kailan nga ba ang tamang panahon?
Kailan ba sila sasang-ayon?
Aking giliw, maghihintay ako
Alam kong magkakasama rin tayo
Ika'y sa'kin, at ako'y sa'yo
At ito lagi ang tatandaan mo:
"I Love You."
Whooohooo! Nakagawa ng tula dahil sa sobrang pagmamahal sa AlDub. Nyahahaha. May katuloy pa 'to kaso mahaba na. Hahahahaha.
#AlDubYou
#AlDubPaMore