Paano nga ba?

23 1 0
                                    


Lahat tayo’y gustong mamuhay ng tahimik
Kapayapaan ang gustong manaig
Ngunit paano nga ba ito makakamit
Kung ang mga tao’y puno ng galit?

Wala na nga bang ibang paraan?
Mga tao’y walang awang pinapaslang
Buhay ba ang kabayaran
Ng kanilang mga kasalanan?

Paano sila magbabagong buhay?
Kung sila’y agad na pinapatay
Wala na ba silang karapatan?
Ang pagbabago nila’y hindi na mapapatunayan.

Paano nga ba maiiwasan
Ang pagdanak ng dugo sa bayan?
Kung dahas din ang gamit
Upang kapayapaan daw ay makamit.

** Janeleven **

MY POEMSOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz