Ayaw ko nang makita ka(ng lumuluha)
Nasasaktan ako
Ayaw na kitang makita pa(ng nahihirapan)
Layuan mo nalang ako.Nais kong iwan mo na ako (kasama ang sakit)
H’wag nang bumalik
Kalimutan mo na ang lahat (ng hirap at pait)
At ako’y h’wag nang pansinin.Hindi na kita gusto(ng masaktan pang muli)
Kaya ako’y titigil na.
Hindi na kita gusto(ng mahirapan dahil sa’kin)
Kaya ako’y aalis na.H’wag nang magtanong pa (dahil mahal naman talaga kita)
Tayo’y pinagtagpo, at ngayo’y pinaglalayo
Ako’y h’wag nang isipin pa (pero sa isip ko’y hindi ka mawawala)
Paalam na sa’yo, (mahal ko).Minahal kita noon (at mahal kita hanggang ngayon)
Ngunit nagbago na ang ihip ng hangin
At mukhang hindi ikaw ang para sa akin
Kaya paalam na (ngunit umaaasa pa rin akong baling araw ay maging tayo).Ang ating walang hanggan ay hanggang dito nalang
Ang ating pagmamahalan ay meron palang katapusan
Dahil sa aking mga salitang nasambit
At sa mga salitang hindi nabanggit.** Janeleven **
