Una.
Hindi kita gusto dahil hindi kita kilala
Pero hindi ko inasahang magugustuhan pala kita
Araw-araw mo ba naman akong kinakausap
Kinuk’wentuhan ng kahit ano, may maik’wento lang.
Pangalawa.
Hindi kita gusto dahil hindi ka kagwapuhan
Ngunit panay pasa mo sa akin ng iyong larawan
At sa bawat tingin ko ay unti-unti na akong nagkakagusto
Unti-unti ka nang tinatanggap ng puso ko.
Pangatlo.
Hindi kita gusto dahil sa ugali mo
Kapag naiinis ako’y parang wala lang sa’yo
Minsan ako’y ‘di pinapansin at pinapakinggan
Tila ako’y iyong pinapabayaan.
Pang-apat.
Hindi kita gusto dahil sa mga gawain mo
Tuwing naiinis ka sa kanila’y inaaway mo
Tila sanay ka na sa away at gulo
Ngunit sabi mo’y hindi mo kayang kalabanin ako.
Panglima
Hindi kita gusto dahil hindi pa tayo nagkikita sa personal
Hindi ko nga alam kung totoong ako’y ‘yong mahal
Ang sabi mo pa nga’y sa’yo dapat ako ikasal
At sabi mo’y ako na ang inilaan sa’yo ng Maykapal.
Pang-anim
Hindi kita gusto dahil natatakot ako
Na kapag nahulog sa’yo ay ako’y iwan mo
Ayaw kong masaktan, ayaw kong maiwan
Kaya siguro ikaw ay hindi ko maibigan.** Janeleven **