Chapter 7.5

308 14 0
                                    

A/N:

Continued part ng Chapter 7. hihi.

- - - - - -

PAUL'S POV

"Hindi kita maintindihan, pa anong handa?" Nakakunot noong tanong nito. I leaved a heavy sigh and put both of my hands inside my pocket.

"Kapag dumating yung araw na nakahanap na siya ng taong makakaintindi sa kaniya at handa siyang damayan oras na malaman niya ang katotohanan" Tinignan ko si Jin. Bakas sa mukha niya ang pagkalito.

"Sino naman 'yang sinasabi mo? Si Kirstelle?" Tanong niya. Pinanlisikan ko naman siya ng mata. Baka sabihin niyong nagseselos ako. Hindi ah! Paliitin niyo muna yung ilong ni Gean.

Hindi joke lang. Hindi talaga ako nagseselos. Naaawa lang ako kay Gean kapag nagkataong siya nga yung magiging girlfriend niya. Besides, hindi talaga ako makakapayag na yung tomboy na yun lang ang magiging girlfriend ni Gean no! Kung pipili siya dapat yung matino naman yung itsura. Wag yung katulad nung kupal na yon.

Nang makarating ako sa bahay ay inilapag ko muna ang mga gamit ko sa sofa at dumiretso agad ako sa ref upang kumuha ng maiinom.

Aakyat na sana ako sa 2nd floor ng maaninag ko ang cellphone ko sa tabi ng mga gamit ko. Nagri-ring ito, kinuha ko ito upang tignan kung sino ang tumatawag at hindi nga ako nagkakamali. Yung kupal.

"Namiss mo ako kaagad? Di ka ba makapaghintay hanggang bukas?" Bungad ko dito.

[Kapal naman ng gilagid mong hayup ka. Walang pasok bukas]

"Tss. Kung tatawag ka lang para mambwisit, ibababa ko na 'to"

[Subukan mong ibaba ang tawag, uubusin ko lahi mo]

Natakot naman ako sa sinabi niya. Baka mamaya maputol si Jun-jun dito. Wag ganun bruh. Sayang lahi ko. Pano na dadami ang mga pogi niyan?

"Ano ba kasi yun?" Iritang tanong ko

[Kelan na ba kasi natin sisimulan yung project?] Sabi ko na at gusto na akong makita neto eh.

"Sa isang araw na. Alam kong gusto mo akong makita araw-araw pero pagpahingahin mo naman 'yang mata mo" 

[Salamat sa concern. Pagpapahingahin ko talaga mata ko, nakakabwisit kasi yang pagmumukha mo. Simula nung nakita kita sa bus, araw-araw na akong binabangungot. Leche ka gago]

"Aba't--" Sasagot pa sana ako kaso lang binabaan na niya ako. Kita mo talaga tong tomboy na 'to eh no. Tatawag-tawag tapos siya pa yung may ganang mambaba ng tawag? Tindi ni kupal.

Niligpit ko na yung mga gamit ko at umakyat na ako sa ikalawang palapag ng bahay ko-- este namin pala.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at nagulat ako nang makakita ng dalawang bata sa loob! Hutang ama naman. Saang lupalop ng daigdig hinugot 'tong mga kutong lupa na to?

 

"TITO!"

 

Pretty... WOMAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon