Chapter 3

422 22 0
                                    

KIRSTELLE's POV

"Alam mo ba kung anong nangyari sakin kanina ha? Bitawan niyo nga ako!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko habang nagpupumiglas sa dalawang lalaking nasa tabi ko. "Kung di lang siguro dumating yung lalaking yun," sabi ko sabay turo dun sa lalaking 'Jin' daw ang pangalan.

F L A S H  B A C K

"P-Paul!" Sigaw ko ngunit nakalayo na siya at di na siguro ako narinig. Aish! Mag-isa na lang tuloy ako sa paglalakad. Bahala na nga.

"Witwew sexy mo naman miss" Nagulat ako at nanigas sa kinatatayuan ko nang bigla na lamang may humawak sa balikat ko. Shet. Sexy daw?

"Putangina mo ba? Gusto mo bigwasan ko yang mukha mo?" Hinawakan ko yung kamay niya at ibinalibag siya sa sahig "Hah. Weak ka naman pala eh" Sigaw ko sa lalaking ngayo'y nakalupasay na sa sahig tapos marahas ko rin siyang tinadyakan.

"Sino ka para bugbugin ang boss namin?" Nagulat ako at dahan-dahang lumingon sa likuran ko. Pagka-lingon ko'y laking gulat ko nang may makitang limang lalaking nakatingin sakin tapos biglang dumapo ang tingin niya sa boss 'kuno' nila. Paktay.

Bigla na lang akong sinampal ng malakas nung lalaking nakasalamin, sa sobrang lakas ng impact ay napatumba na ako sa sahig. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko at iniling-iling ang ulo ko dahil nahihilo ako dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya sakin, nakatikim din ako ng dugo mula sa gilid ng labi ko.

"Hoy mga bakla! Nung una si Aph yung minanyak niyo, ngayon di na kayo tumigil?" Sabi ng isang *Ehem* gwapong lalaking bigla na lang nasulpot dun sa gilid at biglang inambahan ng suntok yung lalaking nakasalamin (Yung mga lalaki din po ito sa Jailo University, yung ano... Sa Chapter 4 ata? Haha)

"BhOxSz JiN! Di NaH pHo3xSz!" Sabi nung isang lalaki. Tangna jeje -___-

"Ano?" Sabi nung Jin habang kine-kwelyuhan yung lalaking Jeje "Di Na pO pApAl4GxSz" Sabi nung Jeje

"ANO?" Kumunot na ang noo ni Jin dahil siguro hindi na niya talaga maintindihan. Juskopo miski ako di ko na nga rin maintindihan eh -___-

"Ayusin mo pananalita mo ha?" Sabi ni Jin tapos sinuntok yung jeje. Asdfghjkl! Susugurin na sana siya nung isang lalaki kaso napigilan niya iyon. Napahiga sila sa sahig, nasa ibabaw si Jin tapos pinaulanan niya ng suntok yung lalaki.

Pretty... WOMAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon