Chapter 16

100 8 0
                                    

KIRSTELLE



"Class dismissed" Sa wakas! Ang mga salitang pinaka-paborito kong binabanggit ng mga professors ko!

Dali-dali kong iniligpit ang mga gamit ko at lumabas na ng room. Uuwi na ako, since last subject ko naman na! Yay!

 Ang ganda at ang tahimik ng naging araw ko ngayon kasi except nung 1st subject, hindi ko na nakita pa si Paul at wala ring Ashton na nanggulo sakin! Sana ganito na lang araw-araw!

Palabas na ako sa gate ng school ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako para tignan  kung sino ito at otomatikong napabusangot ang mukha ko nang makita si Paul na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Lord naman, pinatahimik niyo na nga ang araw ko bigla niyo namang babawiin agad? Wag naman po sanang ganto.

"Nakabusangot ka diyan?" Tanong niya nang makalapit siya sakin. Psh! Malamang bubusangot ako! Feel na feel ko na yung pagngiti ko kasi hindi ko kayo nakita tapos ngayon bigla mo akong tatawagin? Punyeta ha

"Sino ba namang hindi? Eh nakikita ko na 'yung liwanag diyan sa gilagid mong nakakasilaw. Parang kinukuha na ako ni Lord, kainis!" Sabi ko tapos nagsimula na akong maglakad papalayo sa kaniya.

Linakihan ko pa yung paghakbang ko at binilisan ang lakad ko para hindi niya na ako mahabol at makulit pa pero ang loko nakakasabay!

"Hindi daw pumasok si Ashton ngayon ah?" Tanong niya tapos binigyan niya ako ng isang napakalawak na ngiti.

Nakakainis! Bigwasan ko kaya 'to para di na makangiti? Bwisit na kupal naman kasi to eh! Pauwi na nga lang ako eh, akala ko ligtas na!

"Oh eh ano ngayon? Tangina wag mong sabihing nababakla ka sa kanya?!" Pangaasar ko na agad namang nagpabusangot sa mukha niya. Haha

"Hoy! Walang dahilan para mabakla ako sa kaniya!" Sagot niya dahilan para mas lalo akong matawa. Shet may meaning ba yung sinabi niya? Pustahan malapit ng bumigay 'tong isang to. Konting tulak na lang talaga aamin na 'to eh hahaha

"Anong nakakatawa?!" Sinamaan niya ako ng tingin

"Ikaw! Haha leche, Paul! Bakla ka pala?" Tumigil siya sa paglalakad kaya't napatigil din ako. Ano kayang trip neto? Hala eto na ba yung time na aamin siya na bakla siya? Sabi ko naman sa inyo eh! Bakla talaga si Paul! Bakla si Paul!!

"Palagi mo na lang akong inaasar na bakla. Gusto mo lang atang patunayan ang pagkalalaki ko para makaisa ka eh no? Modus mo Kirs!" Nakita kong kumurba ang isang pilyong ngiti sa mga labi niya. ANO DAW?

Modus ko? Anong modus pinagsasabi neto? Ang kapal naman ng apog niya ha!

Nagsimula na akong maglakad ulit kasi nagsisimula na rin akong mainis sa presensya niya. Ugh!

"Uuwi ka na?" Tanong niya

"Hindi baka pumunta pa akong mars!" Pamimilosopo ko.

"Talaga? Sama ako!" Tumigil ulit ako sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin. Isa pa talaga, Paul Rivera bibinggo ka na sakin!

"Umalis ka na nga!" Sigaw ko at pinagpapadyak ang mga paa ko sa lupa. Lord please! Ayoko na po talaga! Wag niyo na pong ipag-krus ang landas namin ni Paul please po nagmamakaawa po ako sa inyo please?

"Okay! Aalis na ako hindi mo na kailangang sumigaw!" Sabi niya tapos inirapan niya ako bago siya umalis! Woah! ang kapal ng mukha niyang mainis at mangirap eh siya na nga yung nangiinis at naninira ng araw!

Sinundan ko siya ng tingin habang papalayo siya. Psh. Matapilok ka sana habang naglalakad ka o kaya mas maganda kung madadapa ka! Bwisit!

Ilang saglit pa, nakita kong nilapitan siya ni Astrid! Aba tignan mo nagpapa-cute pa! Haha sana naman aware siya na mukha siyang asong hindi matae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pretty... WOMAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon