Chapter 10

235 17 3
                                    

KIRSTELLE'sPOV




"Sinama mo ako dito para maging yaya lang? Aba ayos 'yang gilagid mo ah?" Reklamo ko kay Paul. Sino ba namang Hindi magrereklamo eh nasakin yung mga bata tapos siya pa-easy easy lang? Kumakain lang ng ice cream. Aba



"Bakit ba lagi mo na lang pinagbu-buntungan ng galit yung gilagid ko ha?" Daing niya pa saka dinilaan yung ice cream niya. Seriously? This bitch. Gusto ko siyang tadyakan tapos pagmumurahin kaso nga lang may mga bata. Mamaya ka lang talaga Paul Rivera.



"Buti nga 'di 'yang kabaklaan mo yung pinagt-tripan ko eh." Nahinto siya sa paglalakad kaya't ganun din kami ng mga bata.



"Ba't ka tumigil? Nakakita ka ng poging lalaki? Ha? Tss" Inirapan ko siya tapos hinila ko na yung dalawang bata papalayo. Bahala siya kung tutunganga siya diyan mag-hapon magdamag. Basta kami ng mga bata, aalis kami.


Wow. I sounded like a wife trying to get away her children over their bad-looking father.



I shook my head kasi kung ano-ano nanaman ang pumapasok sa isip ko. Wife? Children? Father? Seriously, Kirstelle?



"Hoy teka lang!" Rinig kong sabi ni Paul at narinig ko din ang mga yabag ng paa niya patungo sa amin. Hindi ko naman siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad hawak yung dalawang bata.



Ilang oras kaming ganun. Wala, puro lakad lang. Nyemas.





"Ate gutom na po ako." Nilingon ko si Pauline. Nakita ko ang pagod sa mga mata nito, ganun din ang nakita ko nang lingunin ko ang kapatid niyang si Paulo.



Nilingon lingon ko ang paligid at nakakita ako ng isang fast food chain kaya't dinala ko sila patungo doon.


"Ikaw magbabayad nito." Bulong ko kay Paul na napangiwi muna bago tumango.



- - - - - - - -





"Masarap ba?" Tanong ko kay Pauline na katabi ko ngayon. Tuwang tuwa sila sa mga pagkaing nilibre ni Paul. Aba siyempre dinamihan ko na ang order ko kasi libre din to hahaha.



Tumango si Pauline at inangat ang tingin kay Paul.



"Tito, masarap po ba ang pagkain?" Tanong nito.

Pretty... WOMAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon