Chapter 1

1K 28 2
                                    

KIRSTELLE's POV

Una sa lahat, wag niyong pakialaman ang pangalan ko. Mali kasi ini-spell ni Papa sa birth certificate ko kaya ayan. Psh.

Bisexual ako (Walang aangal) hindi ako tomboy. Minsan naa-atract ako sa babae, may times na naa-atract ako sa lalaki. Di ba bisexual ang tawag dun?

Nandito ako sa isang salon upang pagupitan ang nakakairita kong buhok.

I have a long, brown and shiny hair and I'm getting tired of it. Sawang-sawa na akong mag-ipit! Isa pa, kung ano-anong panga-ngalikot ang ginagawa ng pinsan ko at nung kaibigan niya kaya it's better to cut it off.

"Hi maam, ano pong gupit ang gusto niyong gawin natin sa buhok niyo?" Tanong sakin ng isang babaeng naka-uniform at pinaupo ako sa isang upuan sa loob ng salon. "Gawin mong maikli, yung boy cut" Sabi ko habang nakaharap sa salamin.

"Ang ganda sana kaso tomboy naman" Rinig kong sabi niya habang inilalagay niya ang puting tela sa katawan ko. Kahit na nakakairita yung sinabi niya sakin ay pinalampas ko na lang. I don't give a shit.

Nagsimula na siyang gupitan yung buhok ko at nakita ko sa salamin na para bang sobrang nanghihinayanag siyang putulin yung buhok ko. Tss. As if namang buhok niya to. Sarap upakan eh.

Nang matapos akong gupitan ay binayaran ko na yung bills tapos umuwi na ako sa bahay namin.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto...

"OH MY GOSH! Kirstelle, what happened to you?!" Bungad ng mommy ko pagpasok ko ng bahay. Hindi ko pa ba nasabi sa inyo na hindi alam ng parents ko na bisexual ako? Kung hindi pa, pwes ngayon alam niyo na?

"Mom--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Papa. Galit na galit ang mukha nito nang makita niya ang ayos ko "Kirstelle Mae Tianzon, you were as beautiful as a Goddess before but now, look at you. What have you done?!" Pagalit na sigaw ni Papa. Sobrang galit siya at halos umusok na ang dalawang ilong niya.

Natanaw ko sa sulok ng mata ko ang nakatatanda kong kapatid na si Ate Myrl. Sobrang close kami sa isa't isa at ayaw kong nagagalit siya sakin. Siguro naman hindi siya magagalit sakin kahit na ganito ako diba?

I smiled at her pero binigyan niya lang ako ng isang disappointed look tapos tumalikod na siya sakin.

"Ayokong magkaroon ng anak na tomboy, Kirstelle so please..." Sabi ni mama sakin,

Pretty... WOMAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon