Chapter 9

336 17 3
                                    

KIRSTELLE's POV

"Uh... Surprise?"

"Get. The. Hell. OUT!" Mariin at maotoridad kong utos sa kaniya. Nagdala pa siya ng dalawang bata! Isang babae at isang lalaki! Ugh! Anong nangyari sa NO PAUL RIVERA DAY ko?! Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang hindi ko makita yung mukha niya? Promise po magpapakabait na ako kapag nangyari yun!

"Hindi mo ako masisindak. Araw-araw ko ba naman makita 'yang pagmumukha mo eh. Sanayan lang 'yan"

"Umagang-umaga Paul. Utang na labas magpatahimik ka ng buhay. Maaari ka ng lumayas ng bahay ko ng maayos at matiwasay at kakalimutan na lang natin ang mga nangyari ngayon" Maayos na paki-usap ko. Binigyan naman niya ako ng 'Seiously-bruh-you-wanna-die-look'

"Dali na kasi! Tulungan mo akong alagan 'tong dalawang batang 'to. Kahit ngayon araw lang! Ililibre kita bukas ng kahit na anong gusto mo" Pangungumbinsi niya. Woah, libre? Sound interesting but no. Hindi ako magpapauto sa lalaking yan. Tignan mo naman yung mukha niya, mukha ng hindi katiwa-tiwala.

"Tingin mo sakin? Pulube? Umalis ka na rito! Wala kang pakinabang dito kaya makakalayas ka na" Sabi ko

"Kung hindi lang kita kailangan ngayon eh matagal ko ng pinasabog 'tong bahay niyo. Dali na kasi Kirstelle. Kahit ngayong araw lang tulungan mo akong alagaan 'tong dalawang to" Sabi niya sabay turo sa dalawang batang kasama niya. Sinong niloko nito? Kahit ngayong araw eh bukas magkikita pa kami dahil diyan sa pesteng project na yan! Sino ba naman kasing professor ang magpapa-project ng ganon? 'Yan na yata ang pinaka-walang kwentang project sa buong mundo. Kabanas.

"Eh may iba ka pa namang kaibigang babae diba? Sa kabaklaan mong yan? Impossibleng wala. Sa kanila ka magpa-tulong" Sabi ko tapos binato ko pa siya ng throw pillow na kanina ko pa hawak habang nanonood ako.

Lumapit naman sakin yung batang babae at kumandong sakin. Oh? Anong meron dito? Hala.

"Ate, wag na po kayo mag-away ni kuya Paul ko" Sabi niya tapos nag-puppy eyes pa. Oh sige kunwari na lang na-convince ako.

"Tangina mo talaga Paul, bakit di ka pa kunin ni Lord?" Naiinis kong sabi sa kaniya. "Kuya ano po yung tangina?" Sabi nung batang kalong ko. Aba kuya ang tawag sakin? Pogi ko talaga haha

"Wala, wala. Bad yun wag mo ng tularan." Sabi ko sabay smile sa kaniya. Ramdam ko namang nagpipigil ng tawa yung isa. Tanginang hayup! Kasalanan niya 'to lahat.

"Ano namang pangalan mo?" Tanong ko habang nagf-fake smile pa rin dun sa bata. Loko. Ang plastik ko naman PWE

"Ako po si Pauline, siya naman po si Kuya Paulo" Sabi niya sabay turo dun sa kuya niya na... Ano... Nanonood na dun sa pinapanood ko. Mukha pa siyang nage-enjoy! Hindi ko pala na-pause yung pinapanood ko kanina. Aish.

"Tibay ng lahi mo Paul. Hulaan ko kung ano ipapangalan mo sa magiging anak mo"

"Ano?" Tanong niya

"Paulito." Panggagago ko. Tinaasan naman niya ako ng middle finger ng makita niyang hindi nakatingin sa kaniya ang mga bata.

"Sinong gustong magpunta sa Mall?" Tanong naman ni Paul. Natigil sa panonood yung mga bata at dali-daling tumakbo kay Paul at sumigaw ng 'AKO!!! AKO!!!"

"Hoy magbihis ka" Sabi niya at lumabas ng kwarto. Wala na akong magagawa. Nakakaawa naman yung mga bata kung iiwan ko yung mga yun kay Paul. Baka di makapagtimpi ang loko at masigawan yung mga bata. Tsk tsk. Wawa naman.

Pretty... WOMAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon