Chapter 15

110 8 3
                                    

V, Aphrodite and Gean in this chapter bc why not? Haha

- - - - -

APHRODITE



Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ko si Gean na naglalaro ng basketball. Mabuti naman at maayos na siya kahit na hindi na niya kami naaalala. Siguro nga mas mabuti na ang ganun... Siguro nga mas maayos para hindi na niya maramdaman yung sakit lalo pa't wala na kami.

"Hanep din 'tong school nila eh, kahit Sunday ngayon bukas pa rin." Napalingon ako at nakita ko si Justin na umupo sa tabi ko. "Miss ko na si Gean."

"Ako rin naman eh. Namimiss ko na sila. Silang lahat." Napabuntong hininga ako at pinunasan ang mga luhang tumakas mula sa mga mata ko.

"Sa ngayon, tayong dalawa na lang muna. Hintayin na lang natin ang oras nila" Natatawang sambit ni V kaya't hinampas ko siya. Alam ba niya ang pinagsasabi niya? Hayop na to, pinapadali ang buhay ng mga kaibigan niya. Tsk tsk tsk

"Loko ka ah!" Sabi ko

"De pero si Gab talaga pag yumuko yon tamo tatlo na tayo." Napatawa na lang din ako sa sinabi niya. Lecheng to ang hina-hard si Gab.

"Sana nakikita nila tayo no? Sana nakakausap pa rin natin sila." Napayuko ako at naipikit ang mga mata ko. Sobrang miss na miss ko na sila! Nakakainis naman kasi 'yang Vanessa na 'yan nyeta siya.

"Hindi ka ba masaya? Na wala ng hahadlang sa ating dalawa? Na magkasama na tayo? Hindi ka ba masayang kasama ako?" Napatingin ako kay V at binato sa kanya ang bottled water na nasa tabi ko pero nailagan naman niya iyon.

"Ang drama mo ba't mo naman naisip yan? Siyempre masaya ako pero hindi mo pa rin maiaalis sakin na makaramdam ng lungkot." Inirapan niya lang ako nang sabihin ko iyon. Tss. Bakla talaga.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Gean at nagulat ako nang makitang papalapit siya sa direksyon namin. Nakakunot ang noo niya at puno ng pagtataka ang mukha niya.

Ay boset baka napansin niya yung naibato kong bottled water!

Ipinikit niya ng mariin ang mata niya at iniling ang ulo niya.

"Pano napunta 'to dito?" Nagkatinginan kami ni V at binigyan niya ako ng 'Ikaw-kasi-bat-mo-binato-look'

Aba sorry naman kasi nadala lang ._.


THIRD PERSON


Kinuha ni Gean ang bottled water na gumugulong pa at napatingin sa upuan kung saan ito nakalagay kanina.

"Pano napunta 'to dito?" Takang tanong ni Gean at naglakad patungo sa upuan kung saan naroroon ang mga gamit niya.

Nang tuluyang makalapit sa tatlong upuan ay bigla na lang nagtindigan ang mga balahibo niya sa katawan.

Hindi siya naniniwala sa multo ngunit sa hindi malamang dahilan ay tinamaan siya ng kaba. Dali-dali niyang iniligpit ang mga gamit niya at dali-daling umalis sa loob ng court

Nang makarating si Gean sa locker Area ay nagtaka siya nang makita ang isang babaeng nakatayo sa harap ng locker niya. Pa-palit palit ang tingin nito sa hawak niyang kulay pink na envelope at sa locker ni Gean.

Akmang ihuhulog na sana ng babae ang envelope sa siwang ng locker nang bigla na lang hinawakan ni Gean ang kamay nito.

Mistulang naging estatwa ang babae nang magtama ang mga mata nila. Bumilis ang tibok ng puso nito dala ng matinding kaba at hindi na niya alam ang gagawin.

"Uhmm, Miss bakit mo ilalagay 'yung envelope sa locker ko?" Takang tanong ni Gean at binitawan na ang kamay ng babae.

"A-Ah ano kasi. Haha. Ano. Locker mo pala 'to? S-Sorry a-akala ko kasi ano sa kaibigan ko? Oo tama! Haha Sorry!" Mautal-utal na sambit ng babae at mawawari mo sa itsura niya ngayon na sobrang tensyonado siya at kinakabahan.

Napatingin si Gean sa locker niya at nakita nitong may pangalan naman niya ang locker. Full name pa nga ang nakalagay kaya't paano nangyaring nagkamali pa ang babae?

'Di ata marunong magbasa 'to' Isip isip ni Gean.

"I-Ikaw si Gean diba?" Tanong ng babae.

"Oo. Bakit may kailangan ka ba?" Tanong ni Gean habang nakangiti para daw magmukhang friendly.

"Ha? Ano... Wala! Sige mauna na ako!" Lalo pang nakunot ang noo ni Gean nang bigla na lang nagtatakbo ang babae palayo sa kaniya habang nakatakip ang mga kamay sa namumula niyang mukha

"Pag ikaw nabangga ewan ko na lang sayo!" Sigaw ni Gean nang mawala na sa paningin niya ang babae.

"Ang weird niya." Bulong niya sa sarili habang napapailing.

Binuksan na ni Gean ang locker at kinuha ang ilang libro at gamit at isinilid iyon sa bag niya.

"Kamusta?"

"Ay nuno sa punso!" Napatalon si Gean sa gulat at napahawak sa dibdib niya nang makita si Jino na nakasandal sa gilid ng locker niya.

"Aba! Porket pandak nuno sa punso na? Suntukan na lang ano?" Paghahamon ng nuno-- este ni Jino

"Hoy ikaw nagsabi na pandak ka ah!" Natatawang sabi ni Gean dahilan para akbayan siya ni Jino at gulu-guluhin ang buhok niya.

"Alam mo kahit gago ka nakaka-miss ka rin pala?" Sabi ni Jino.

"Shet hyung! Nababakla ka nanaman! Layuan mo nga ako!" Tinanggal ni Gean ang pagkakaakbay ni Jino sa kaniya at humakbang papa-atras.

Nakunot naman ang noo ni Jino at tinignan si Gean mula ulo hanggang paa.

"Gago walang dahilan para mabakla ako sayo!"

"Hyung naman, alam kong may HD ka sakin kaya umamin ka na." Tinignan pa nito si Jino ng diretso sa mata at tsaka pa niya kinindatan (Pucha ang pilyo)

"Anong HD?" Takang tanong naman ni Jino

"Hidden Desire. Ano ba naman hyung kagigising ko lang galing coma pero mas nauna ko pa malaman yung HD kesa sayo. Boo for Jino very no fun" Sabi ni Gean at binigyan ng thumbs down si Jino na tila ba binu-boo ito

"Loko hindi lang kasi ako bakla gaya mo. May pa-hd hd ka pang nalalaman eh sa pagkakaalam ko ikaw ang may pagnanasa sakin." Pagbabalik na pangaa-asar ni Jino kay Gean.

"Eh hyung, bakit ka nga pala nandito sa school? Sunday ngayon ah?" Takang tanong ni Gean kay Jino.

"Ah. Si Sammy kasi nakalimutan daw niya yung libro niya kaya pumunta ako dito para kunin yun." Napakamot si Jino sa batok niya.

"Naks! Hanep pala ang lover boy natin dito eh!" Pabirong sabi ni Gean at hinampas sa dibdib si Jino.

"Ako kaya kelan ako magkaka-love life no?" Natigilan si Jino nang sabihin iyon ni Gean. Naalala nanaman nito ang hirap na pinagdaanan ng kaibigan nung mga panahong kilala at naa-alala pa niya sila Aph.

"Siguraduhin mong sa susunod na magmamahal ka, sa totoong tao na. Para narin kitang nakababatang kapatid at ayokong nakikita kang nasasaktan dahil sa isang babae." Nagtaka naman si Gean dahil bigla na lang sumeryoso ang tono ng boses ni Jino.

Nagtataka man dahil sa inaasal ng kaibigan ay tumango-tango na lang si Gean.

"Sige bro. Alis na ako. Ibibigay ko pa kay Sammy yung libro niya!" Sabi ni Jino at tumalikod na at umalis.

"Ang weird naman nung pandak na yun! Tapos ang weird din nung babae kanina. Ang weird din nung nangyari sa gym. Punyeta ano bang nangyayari sa kanila bakit ang weird nilang lahat?" Bulong ni Gean sa sarili at nagsimula ng lumakad pataliwas sa direksyon na pinuntahan ni Jino.

Pretty... WOMAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon