Chapter 12

303 21 7
                                    

KIRSTELLE's POV





Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at kinusot ang mga ito.



Another boring day.


Paano kasi wala kaming pasok. Yung project naman namin ni Paul sinimulan na namin kahapon habang nasa may mall kami. Kunwari nakangiti pag nasa camera pero kapag tapos na yung shot;


"Putangina mo Paul ayusin mo naman!"

"Hoy, maayos naman ako!"

"Wag mo nga akong niloloko. Itago mo muna 'yang gilagid mo kahit ngayon lang!"

"Ulol. Bakit ko naman itatago ha? Eto nga yung nagpapa-bright ng picture."


Puro bangayan. Sila Ashton at Astrid naman tinatakpan yung tenga ng dalawang bata. Tsk, nakakainis naman kasi 'tong Paul na 'to! Sarap supalpalin yung gilagid niya eh.



Napaupo ako sa kama ko dala ng sobrang gulat nang bigla na lang mag-ring ng pagkalakas lakas yung cellphone ko.


Kinuha ko ito sa bed side table ko at idinikit sa tenga ko.



"Problema mo?" Bungad ko. Bahala na kung sino man to, ginulat niya ako kaya bwisit ako sa kaniya.



"Sungit agad? Meron ka ba ha?" Napairap ako ng wagas nang marinig ko ang boses ng nakakairita kong pinsan.


"Wala kang pake. Bakit ka tumawag?"


"Pumunta ka dito sa school! As in now na! Asap! Walang pero-pero!" Sabi niya tapos binaba na niya yung tawag.


Tsk. Hindi demanding yung pinsan ko, hindi talaga promise!



Kahit na tinatamad pa ako ay mas pinili ko na lang na sundin si Sam kaysa mabulok ako dito sa bahay. Aba'y ang boring kaya dito! Buti pa sa school nandun sila tapos ang dami pang pagkain sa canteen.


Nagpa-drive ako sa driver namin papuntang eskwelahan.


Nang makarating ay bumaba agad ako ng kotse at pumasok ng Campus.



"KIRSTELLE! OMG MAY BAGONG TRANSFER STUDENT! GRABE ANG POGI NIYA!" Salubong sakin ni Cindy.


Ang ingay talaga kahit kelan! Ewan ko ba sa dalawang babaeng to, napakaiingay.


"Akala ko ba gusto mo si Jin?" Siniko ni Cindy si Sam at pinanlakihan pa niya ito ng mata.

Pretty... WOMAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon