Chapter 8

315 15 0
                                    

PAUL's POV

"TITO!" Sigaw ng dalawang bata sabay takbo papunta sa direksyon ko at yakap sakin. Aww ang sweet, ang sarap nilang paulanan ng sipa netong mga to. Joke

"Tito ka diyan, sino kayo?" Tanong ko habang inaalis sila mula sa pagkakayakap sa akin. Pano nakapasok 'tong mga to sa bahay ko-- este namin? At bakit nila ako tinawag na tito? Mga abno.

"Pamangkin mo." Napatigil ako sa pagpapaalis sa dalawang batang makulit ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses na nanggagaling sa likuran ko.

Unti-unti ko itong nilingon at nakita ko ang pinsan kong si Ate Paula na mas matanda sakin ng walong taon.

"A-Ate... Hehe... Anak mo ba 'tong mga kutong lupa-- este mga batang to?" Tanong ko rito.

"Oo, kung pwede sana ikaw muna ang mag-alaga sa kanila kahit hanggang sa isang araw lang. May aasikasuhin kasi kami ng asawa ko bukas at ikaw lang ang pinaka pinagkakatiwalaan ko sa lahat" Nakangiting sabi nito at nag-puppy eyes pa. Pati pala mga nasa middle-age ngayon marunong pang mag-puppy eyes?

"O-Okay lang naman sakin ate" Basta wag ka lang mag-puppy eyes. Kakasuya mukha mo eh hehe Gusto ko pa sanang idagdag yan kaso baka mamaya ipa-bugbog ako nito. Mahirap na, baka madamay yung pogi kong mukha.

"Naku, Paul. Maraming maraming salamat! Ingatan mo sana ang mga anak ko" Napakasayang sabi ng ate ko. Ngumiti na lang din ako at tumango.

"Sige pala, Paul. Mauna na ako" Tumingin siya sa wristwatch niya at dali-daling bumaba ng hagdan at umalis.

Pagka-alis niya ay tinignan ko yung dalawang bata na nasa kwarto ko pa rin. Nagulat ako ng tuluyan kong makita ang kwarto ko. Sobrang gulo! Yung bed shit-- este sheet ko halos matanggal na! Jusko 'tong mga batang to.

Dahil pagod ako at tinatamad sigawan tong mga bata na 'to ay nilapitan ko na lang sila at pinaalis sa kwarto ko.

"Yun ang kwarto na tutulugan niyo. May dalawang kama dun, magbihis na kayo at matulog. Maraming multo sa bahay na to kaya kapag di pa kayo natulog--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla na lamang silang nagtatakbo patungo sa sinabi kong kwarto at nag-lock ng pinto. Mukhang madali lang din namang kausap 'tong mga batang to.

Pumasok na ako ng kwarto at nag-dive sa kama ko. Bukas na lang ako magliligpit ng mga kinalat ng mga bata na yon. Aish! Nakalimutan kong humingi ng pampakain sa dalawang bata na yun! Mukhang mababawasan pa yata ang allowance ko this month at magiging yaya pa yata ako ng isa o dalawang araw. Bakit kasi ako pumayag na alagaan sila!

Ay oo tama! Kasi kay Ate Paula yung mga bata na yon. Nakakatakot kaya magalit si Ate Paula. Kahit yata halimaw matatakot kapag nagalt yun.

Maya-maya pa'y unti-unti ng bumigay ang mga mata ko at tuluyan na rin akong nakatulog.

Pretty... WOMAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon