Chapter 14

169 15 6
                                    

KIRSTELLE's POV



From: Ashton Landi

Hi Mae Bae! Goodmorning:*
Sunduin kita sa inyo mamayang 10, mall tayo :) <3


Ang aga naman mambwisit ni Ashton. Sino ba nagbigay ng number ko dito nang masapak ko na. Ang aga lumandi.

AND PLEASE LANG. MAE BAE?! PUTEK NAMAN OH ANO BANG ISIP MERON TONG SI ASHTON?! JUSKO LORD PAKI-KUHA NA PO 'TONG ABO NA TO.

Urgh bahala siya diyan mag-mall siya mag-isa niya. Dito na lang ako sa bahay, baka mamaya kung anong kakornihan sa buhay nanaman ang gawin ng isang yon pag sumama ako sa kaniya.

"Kirstelle may bisita ka." Sabi ni Ate Myrl kaya't napatingin ako sa relo at nakita kong 9 pa lang ng umaga, akala ko ba 10 niya ako susunduin? Tss di naman siya masyadong excited diba? Kainis lang.

"Hoy tukmol sabi mo mamayang 10--" Nagulat ako nang pagkalabas ko ng bahay ay isang Paul Rivera ang nakita ko at hindi si Ashton. Isa nanamang peste sa buhay. Pahingi naman ng day-off papa God, yung tipong walang Paul o kaya Ashton na manggugulo huhu

"Oh anong ginagawa mo dito?" Nakataas ang kilay kong tanong.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Pinagtaasan niya rin ako ng kilay. Aba talaga naman! Bakla talaga, kainis!

Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na lang siyang pumasok. Aba ang kapal ng mukha! Bahay niya eh! Nakakahiya naman nagtanong pa siya kung di ko siya papapasukin. Wow lang eh.

"Bat ka nandito?" Tanong ko

"Yung sa kahapon..." Nagiwas siya ng tingin tas napakamot siya ng batok.

"Ano kasi... May ano..." Para pa siyang naga-alangan kung sasabihin ba niya o hindi. Ano ba kasi yon? Nyeta nakaka bad trip oh. Amin ka na kasing bakla ka punyeta naman oh.

"Kirstelle, wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko..." Sabi niya

Shet bat bigla akong tinamaan ng kaba dahil sa sinabi niya? Oh my god may malubha ba siyang sakit? Aalis na ba siya ng bansa? Di ko na ba siya makikita? O my god yes please!

"Ano ba kasi yon?" Inis kong sabi kasi leche eh kahapon pa to ganto eh. Urghh

"KASINABURAKOYUNGFILESPARASAPROJECTNATIN" Mabilis niyang sabi sabay lagok sa baso ng tubig na binigay sa kaniya ni Ate Myrl kanina pag pasok niya. Ano daw? Alam kong magaling mag-rap tong gilagid na to pero kasi ilugar niya naman sana yon, di ko naintindihan yung sinabi niya eh.

"Bagalan mo hayop ka!" Sabi ko sabay bato sa kaniya ng throw pillow na nasa couch

Yumuko siya, hinimas ang batok niya at bumuntong hininga bago magsalita "Sabi ko kasi yung files para sa project natin nabura."

Tignan mo to para yun lang eh. Nabura lang pala yung-- PUTA ALIN DAW NABURA?!

"PAUL!!" Sinugod ko siya at sinabunutan. Urgh!

Monday na bukas, ipapasa na lang namin DAPAT yon eh! Wag mong sabihing magre-retake nanaman kami?! Ang hirap hirap mag-acting na masaya ako habang kasama ko 'tong Paul na 'to! Ang hirap mag-acting na friends kami on-cam! Ang hirap ng pagpapanggap na ginawa namin para sa pesteng project na yan tas mabubura niya lang?!

"ARAY! WAG MO NGA AKONG SABUNUTAN!"

"PANONG HINDI KA MASASABUNUTAN EH ANG TANGA MO?!" Tumigil na ako sa kasasabunot sa kaniya nang makita kong pulang pula na yung mukha niya. Nakakainis talaga! Sana talaga iba na lang yung naging ka-partner ko eh!

Pretty... WOMAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon