Chapter 5

386 21 3
                                    

PAUL's POV

Pagkalabas na pagkalabas ng teacher ay dali-dali na akong tumayo at naglakad papalabas ng classroom namin.

"Hoy Paul, ano ng gagawin natin?" Hinabol ako ni Crinkles kaya't mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. "Tigilan mo ako, di kita kilala punyeta ka"

Simula ng makilala ko 'yang babaeng yan parang napapadalas ang pagmumura ko. Aish. Napaka Bad Influence ng babaeng yan sakin, bwisit na yan.

"Walangya ka, anong di kilala?" Eto nanaman siya. Dada ng dada, napa-irap na lang ako at tumakbo na lang papalayo sa kaniya. Buti na lang talaga at 1 hour pa yung susunod kong klase kaya makaka-uwi muna ako ng bahay.

Agad akong sumakay sa motor ko at dali-dali itong pinaandar, mahirap na baka mahabol pa ko nun. O diba? Pa-motor motor na lang ako tsk. Pogi ko talaga.

Nang makarating ako sa bahay ay ni-lock ko na yung pintuan at dumiretso sa kwarto ko. Mag-isa lang ako dito sa bahay since seperate ako sa magulang ko. Nung isang buwan ko lang napagdesisyunan na humiwalay sa kanila kaya medyo nakakapanibago.

Kumuha ako ng towel at Cellphone ko tapos dumiretso sa banyo. Makaligo na nga lang, ang daming germs ang dumapo sa skin ko ngayong araw eh -_-

Matapos maligo ay dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.

Ilang minuto pa'y akala ko magiging tahimik na ang buhay ko dito sa bahay namin kaso...

*TOK TOK TOK*

Isang malakas na pagkalampag ang naririnig ko mula sa gate ng bahay. Tangna sino naman kaya ang mambubulahaw ngayon?

Hindi muna ako tumayo sa higaan ko, hinintay ko muna ang susunod na pagkalampag. Baka mamaya eh, batang naglalaro lang pala yan o kung ano. 

"HOY PAUL LUMABAS KA DIYAN *TOK TOK TOK*" Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa narinig ko. Juice colored! Pano niya nalaman bahay ko?! Hala! Grabe na tong babaeng to ah? Stalker na ata to jusko po -___-

Nagpunta ako sa terrace ng kwarto ko upang makita siya

"WALANG YELO. BALIK KA NA LANG BUKAS!" Sigaw ko para marinig niya. Mula rito sa itaas ay nakita ko namang nagsalubong yung dalawa niyang kilay "TANGINA MO BUMABA KA NGA DITO!"

"ANG KULIT NAMAN NG LAHI MO, WALA NGA KAMING YELO EH" Panga-asar ko pa kaya mas lalong nagsalubong yung kilay niya. Hahaha. Sige lang maasar ka lang. Ilang minuto ang nakalipas at hindi pa rin siya nagsasalita kaya't pumasok na lang ako sa loob. Psh bahala siya diyan.

Pretty... WOMAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon