Chapter 13

144 15 2
                                    

KIRSTELLE's POV

"Obvious naman diba? I'm the new transfer student." Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Seriously?!

"IKAW?!" Kasabay ng sigaw ko ay ang paglapit samin ng maraming tao. Shit tell me this isn't happening!


"Kyaah! Ang pogi niya talaga!"

"Ashton! Ashton pangalan mo diba?"

"Wah! Ashton!"

"Baby Ashton! Uwi ka na, di na ko galit!"


Tumayo na ako at kinuha ang mga pagkaing in-order ko. Urgh. This. Is. Freaking. HELL

Sa school namin dati ay ganto rin ang trato sa kaniya ng mga estudyante; pa-picture dito, tilian doon. Like please lang, hindi naman masyadong pogi si ashton... Well for me kasi mas pogi ako sa kaniya.

Bago pa man ako makalabas ng canteen ay may humatak na sa balikat ko. Muntikan pa matapon yung mga pagkain ko, lintek.


"Pag etong pagkain ko natapon sinasabi ko sayo Astrid tamo." Aish. Kanina pa 'tong babaeng to eh. Parang kahapon lang ang bait bait niya, anyare ngayon?

"Mark my words, Kirstelle. Stay away from Paul Rivera or else--"

"Or else ano?" Tinaasan ko pa siya ng kilay. Nang wala na siyang masabi ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad patungo sa rooftop. Ugh. Ang daming panira ng araw, nakakaimbyerna.

Nang makarating ako sa rooftop ay agad kong nilantakan ang mga pagkain ko. Urgh ano ba naman yan, bat pa kasi ako nagpunta dito sa school? Si Sam kasi eh! Yung babaeng yun talaga. Pag yun nag sleep over sa bahay, di ko siya papakainin bahala siya.

"Oh, bat ka nandito?" Napalingon ako at nakita si Paul nanakapamulsa habang naglalakad patungo sa direksyon ko.

"Bawal na palang tumambay dito. Sorry ha? Di ako na-informed, Kuya Paul. Makaalis na nga leche" Ano ba yan, kakadating ko lang dito may manggu-gulo nanamang bagong asungot. Urgh! san ba ako makakakain ng matiwasay?! Badtrip talaga oh!

Akmang aalis na sana ako nang bigla niya akong pigilan.

"Dito ka muna, may sasabihin ako." Tumango naman ako at umupo na lang. Medyo pagod na rin ako kakalakad eh.

Nagsimula na ulit akong kumain. Ano naman kayang gustong sabihin neto? Baka aamin na siya?!?!?!


Aaminin na niyang na-realize niya na mas pogi pala ako sa kaniya tapos nababakla na siya sakin? Hala no! Di kami talo eww please lang Paul lubayan mo ako!

De joke lang siyempre, ano ba naman 'yang iniisip mo Kirstelle? 

Halos maubos ko na yung kinakain ko pero hindi pa rin siya nagsasalita. Ano bang trip neto ni Paul? Akala ko ba may sasabihin siya? Hala baka humuhugot pa ng lakas para umamin na bakla talaga siya.

"Kirstelle..." 

"Paul alam ko na. Simula pa lang alam ko na." Sabi ko habang ngumunguya

"Ha? Nauna mo pang nalaman sakin? Ganun na ba talaga kahalata na may--"

"Oo Paul, alam ko na bakla ka sa simula pa lang. Sa ganda ba naman ng legs mo eh. Plus ang puti mo pa." Napatingin ako sa kaniya at nakita ko siyang napailing.

"Hindi naman yun yung gusto kong sabihin eh, hindi ako bakla" Sabi niya tapos bumuntong hininga. Sus di daw siya bakla.

Maya-maya pa'y biglang nagtama ang paningin namin. Shet bat bigla akong kinabahan? Bat namamawis yung kamay ko? Tangna sabi ko na bakla talaga si Paul shet shet

Biglang lumapit yung mukha niya sakin shet talaga Paul bakla ka baka mahawa ako sa kabaklaan mo please layuan mo ako.

Nang mga 1 inch na lang yung pagitan ng mukha namin nang bigla akong mapapikit. Hoy wag malisyoso ha? Kasi ang hangin dito sa rooftop baka mapuwing ako kaya ako pumikit.

"Sabi ko na dumi talaga yung nakita ko eh" Napadilat ako nang punasan niya ng panyo yung bibig ko.

What. The. Hell. Just. Happened?!

"Ang dungis mong kumain. Tss" Umiwas ako ng tingin. Urgh bakit ganto? Baka nga tama si Astrid, baka kailangan ko na talagang layuan si Paul? Mamaya mahawaan pa niya ako sa kabaklaan niya. Ayoko namang mabakla no? Tama baka layuan ko na lang siya.

"Paul... Uhmm... A-Ano kasi yung project natin... T-Tapos naman na diba?" Urgh! Bakit ako nags-stutter? Hala?! Utal na ata ako. Papa-check up na ako mamaya.

"Oo. Ipapasa na lang natin sa Monday." Sabi niya. Tumayo naman na ako at kinuha yung pagkain ko. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na to. Simula ngayon lalayuan ko na siya. Since tapos na rin naman pala yung project namin, hindi na ako mahihirapan.

"Paul, alis na ako. Papaliguan ko pa yung aso ko" Pagpapalusot ko.

"Ha? Eh nung pumunta akong bahay niyo, wala naman akong nakitang aso ah?" Patay wala nga pala kaming aso. Urgh kailangan ko na talagang umalis dito.

"Baka hindi mo lang nakita. Sige alis na ako. Ciao!" Sabi ko sabay alis.

Nang makauwi ako sa bahay ay ibinagsak ko kaagad yung katawan ko sa kama at napatitig sa kisame. Bat namasma yung kamay ko kanina? Pasmado na ba ako? Bat ako nag-stutter kanina? Utal na ba ako?

Ayoko nang makita si Paul nakakainis! Feeling ko magkakasakit na talaga ako once na lumapit pa yung kupal na yon sakin eh! Ano na bang nangyayari sa mundo bakit ganto?! Hindi naman siguro ako bakla diba? Hindi naman diba? Aish, sayang naman ako kung mababakla ako.

Pero babae ka Kirstelle pano ka mababakla?

Hala tignan mo may bulong na ako!!!!!! Mababaliw ako dahil kay Paul neto eh! Urgh! Mali bang naging bisexual ako?

It was never too late to change.

Nyeta may bulong na nga ako. Urgh!

Dinukot ko yung cellphone ko mula sa bulsa ko nang maramdaman ko 'tong mag-vibrate.


From: +639090909999

Hi Baby Kirs! Si Baby Ash to, save mo na lang number ko. I love you :*


Tignan mo isa pa to. Nabakla na rin ata! May Kiss mark pa sa dulo. Nyeta at ano daw? BABY KIRS?! Wow lang. Binata na to tol, anong baby ka diyan? Urgh.


Pretty... WOMAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon