Chapter 28

30 0 1
                                    

“I'm very sorry talaga kapid for not telling this sa inyo. Natatakot kasi ako sa inyo na baka magalit kayo sa akin”paumanhin ni Rodalyn.

“Okay lang yun kapid. Naiintindihan naman kita eh. Hindi ko lang alam dun sa tatlo”sabi ko naman.

Nandito pala kami sa event center nitong mall. Dito kami dumiretsong apat matapos namin mahuli ni Harry sina Rodalyn. Taranta naman itong si kapid na magpapaliwanag daw siya kaya umoo ako kasi ayun naman ang dapat.

Ikinuwento naman niya lahat-lahat simula sa kung paano sila nagkakilala hanggang sa kung paano naging sila.

Nagulat nga ako ng sabihin niyang matagal na siyang avid fan ng Extreme-5 at si Blake ang bias niya.

Nakatatampo dahil hindi siya nagsasabi sa akin na adik din siya sa Extreme-5 para naman sa gayo'y may nakakakuwentuhan ako tungkol sa kanila pero at the same time masaya ako para sa bestfriend ko. Samahan na din natin ng sobrang pagkakilig at unting pagkainggit dahil yung idol niya ay boyfriend na niya. Tiyaka member pa ng Extreme-5.

Naisip ko tuloy bigla, kami kaya ni James. May pag-asa din kaya maging kami? Tingin niyo?

Hay. Sana oo. At kapag nangyari yun, puwedi na akong kunin ni Lord. Pero siyempre joke lang yun. Hehe. Marami pa akong plano sa buhay eh.

Nakalimutan kong sabihin kung gaano na katagal sina Rodalyn at Blake. Naka 1 year mahigit na sila.

Ang tagal na nila 'no. Kaso daw walang ibang nakakaalam ng relationship nila kundi silang dalawa lang at kami ni Harry. Ang hirap pa naman ng ganun.

“Hey Cindy, are you still listening?”

Tiyaka lang ako nabalik sa wisyo ko ng tapikin ako ni Rodalyn.

“H-ha, ano? May sinasabi ka ba?”tanong ko.

Tinaasan naman ako ng kilay nito.

“I said, dapat ko na din bang sabihin doon sa tatlo tungkol sa relasyon namin ni Blake?”tanong nito sa akin.

Napaisip ako bigla. Dapat na nga ba?

Kaso paano si Heidi? Eh hate na hate pa naman nun ang Extreme-5 sa di ko malamang dahilan.

Malaman pa  nga lang niyang kasama ko ang Extreme-5, grabe na pag-usok ng ilong nun sa galit. Paano pa kaya kung malaman niyang boyriend ni Rodalyn ang isang member ng Extreme-5.

“Kapid, para sa akin ha. Okay lang sabihin mo doon sa dalawa dahil maiintindihan ka din naman siguro nila. Pero kay Heidi, parang wag muna siguro? Kasi di ba ang init ng dugo nun sa Extreme-5?”

Napabuntong hininga naman siya. “Tama ka. Siguro sa dalawa ko muna sasabihin ang tungkol sa amin ni Blake. Tiyaka na lang siguro kay Heidi kapag nasa good mood yun at tanggap ang Extreme-5”sabi naman niya.

-
James's P. O. V.

(The number you have dial is either unattended or out of coverage area please try again later)

F*ck! Pang-ilang dial ko na 'to sa number ng baliw na yun at hanggang ngayon hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko.

Sh*t naman oh! May ipapautos pa naman ako sa isang yun kailangan ko na yun magawa. Saan ba kasi nagsususuot yun?

Simula nung aksidenteng magkaroon siya ng dalaw hindi na ulit pa yun nagpakita pa sa akin. Dahil ba nahihiya siya sa akin? Tsh. As if I care. Normal lang naman yun sa mga babae.

Kapag si Sophia nga nagkakaroon ng ganun, ako pa mismo ang inuutusang bumili ng pad niya kapag wala na siyang reserba eh.

Ah! Sh*t! Bakit nasali sa usapan ang babaeng yun? Dapat kinakalimutan ko na siya at ang nakaraan namin. She's not worth it. Nang dahil sa kaniya may life is now miserable. She alaways ruined my mind everynight before I sleep. Hindi siya mawala sa isip ko. Kaya ito ako nilulunod ang sarili sa alak kapag mag-isa na lang ako at walang karamay. Nagbabakasakaling matulungan ako nung alak na kalimutan siya. Kaso hindi naman.

Crazy In Love With Mr. Popular [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon