Chapter 14

65 1 0
                                    

Hayy. Papunta na ako ngayon kina James. Grabe inaantok pa ako. 6 o’clock ba naman kasi eh. Huhu.

May sasakyan naman kasi siya di ba bat kailangan niya pang magpasundo.  Ang hirap naman maging isang slave T.T

Nandito na ako ngayon sa hallway papuntang condo ni James. Alam niyo anong oras pa lang?

5:30am. Tapos gumising ako 4 o’clock. Nagtaka nga si mommy at kuya eh bakit ang aga ko daw gumising, buti na lang nakapagpalusot ako na sabi ko dadaanan ko pa si Rodalyn. May report pa kaming paghahandaan.

*Knock. Knock*

Katok ko sa pinto.

*Eeeeeecckkk*

Bumukas yung pinto. And...

O________O

Si James walang suot na sando o T-Shirt. A-ang h-hot. Waaa~

“Pasok”sabi niya.

Akoà O_O Nga-nga

“Hoy! Mukha kang tanga jan”pagkasabi niya nun bigla niya ko hinila papasok tiyaka lang ako nabalik sa realidad.

“Bat ang aga mo? Di ba sabi ko eksaktong 6 o’clock?”tanong niya.

“Ayaw mo nun. Advance ako. Para makasilay ako sayo pati ng maaga ^_^”sagot ko. Yaay~

Biglang kumunot yung noo niya. “Baliw ka talaga”sabi niya tiyaka tumalikod at akamang aakyat ng siya ng pigilan ko siya.

“Wait!”ako.

“Ano?!”inis na tanong niya.

*Pout*

“May pagkain ka? Nagugutom na kasi ako eh. Hindi pa ako nakakapag-almusal”sabi ko.

“Tss. Tignan mo diyan sa ref. Initin mo na lang sa microwave. Siguro naman marunong kang gumamit nun at hindi ka tatanga-tanga”sagot niya tiyaka tuluyan ng umakyat ng hagdan.

“Thank you! ^_^”pahabol ko.

After 20 minutes bumaba na si James ng hagdan. Naka-uniform na siya habang ako kumakain ka rin.

“Ui kain tayo. Hehe”aya ko.

*Snob*

Di ata ako narinig.

“UY JAMES! SABI KO KAIN TAYO!”sigaw ko baka sakaling narinig na niya ako.

“WHATTHEEE!!! I’M NOT DEAF OK. HINDI AKO GUTOM!”pasigaw din na sagot niya.

*Pout*

“Let’s go. 6 o’clock na”aya niya.

“Wait. Hindi pa ako tapos kumain eh”kontra ko.

“I said lets go. Gusto mo pa atang kaladkarin na naman kita diyan”sabi niya na may pagbabanta.

Waaa~ Nakakatakot naman itong si Bebe’James T.T

Tumayo agad ako habang kagat-kagat ko pa yung sandwich tiyaka isinukbit yung bag ko at tumakbo malapit sa kaniya.

“Tara na? ^_^”aya ko.

“Oh”sabay hagis ng bag niyang pagkabigat-bigat tapos nauna na siya saking magalakad papuntang pinto.

“Anong gagawin ko dito?”tanong ko.

“Ano sa tingin mo?”inis na tanong niya.

Nagtatanong lang eh. Sungit.

“Itatapon?”sagot na ko na patanong.

Tinignan niya ko ng masama. Waaa~ Ano namang ginawa ko? T.T

“Tanga! Kaya nga kita pinapunta dito para may tagapagdala ako ng bag. Bobo. Ikaw itapon ko jan eh. Halika na nga. Pinapainit mo na naman ang ulo ko”sagot niya tiyaka nauna ng lumabas ng pinto. Sumunod naman ako.

Grabe. Natanga pa ako T.T Malay ko ba na iyon yung sense ng pagpunta ko dito.

Hmp. Yaan na nga basta si James okay lang. Kahit lagi niya kong nasusungitan at nasisisgawan, ayos lang ^_^ Hihi.

Crazy In Love With Mr. Popular [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon