James at the media.
Maaga akong umalis ng bahay namin para pumunta sa condo ni James. You know, para maisagawa ko na ang aking "Oplan Move-on kay Sophia". Kahit na alam kong hindi niya na maaalala yung mga pinagsasabi niya kagabi.
"Manong, dito na lang po"sabi ko doon tiyaka inabot ko na yung bayad at bumaba na ng taxi.
Pumasok na ako ng hotel pagkatapos ay pinuntahan na ang condo. ni James.
Bago din ako pumunta dito ay may dinaanan muna akong cake shop para bumili ng cheese cake para kay James.
Nasa tapat na ako ng pinto ng condo. ni James at nagsimula na din nagdoor bell. Nakailang beses akong kakapindot sa door bell niya bago niya mabuksan yung pinto.
"Who the hell are--- What the f*ck are you doing here?!"bungad nito sa akin.
Expected ko na ganto ang mangyayari. Na makakatikim ako ng sigaw mula sa kaniya. Sanayan lang yan. Knowing James, parang araw-araw laging may dalaw yan eh. Hahaha.
Nginitian ko lang siya. "Hi. Ito oh, dinalhan kita ng cheese cake"sabi ko sabay abot ng box na may laman ng cheese cake. Pero imbis na tanggapin niya yun ay tinignan niya lamang yung dala ko na walang gana tiyaka bigla akong naalarma na isasara niya na sana yung pinto.
Di puwedi yun. Pano na yung plano kong, matutulungang magmove-on kay Sophia kung itong simpleng peace offering ko para sa kaniya tinatanggihan na niya.
"W-wait lang naman Bebe James"pagmamakawa ko sa kaniya habang nakasandal ang braso ko sa pinto para hindi niya yun masara.
Tinignan ako nito ng masama. "Can you please stop calling me that fucking name! Nakakairita! And I don't need that fucking cheese cake. Kainin mo yan mag-isa! Umalis kana. Nag-aaksaya ka lang ng oras!"pagtataboy niya sakin pero di ko yun pinansin.
"Papasukin mo naman muna ako. Tignan mo oh, nag-effort pa akong gumising ng pagkaaga-aga para lang pumunta dito. Binilhan pa nga kita ng cheese cake oh. Sige na, papasukin mo na ko. Kainin natin 'tong dala ko. Di pa kasi ako nakakapagbreakfast. Alam ko, ikaw din hindi pa. Halatang bagong gising ka eh"litanya ko sabay ngiti ko sa kaniya yung abot tenga.
"Tss. Bahala ka"
Sa huli, ako din ang nanalo ^_^ Masaya akong pumasok sa condo ni James habang nangunguna siya sa akin. Dumiretso siyang hagdan habang ako sa kusina para i-prepare itong cheese cake para kainin naming dalawa. Magtitimpla na din ako ng coffe. Oh di ba ang sweet ko ^_^
Tumingin ako sa hagdanan kung saan umaakyat si James. "Bebe James, baba ka ha. Kakain tayo!"habol ko bago siya tuluyang makaakyat ng taas.
After 30 minutes na paghihintay, nakarinig ako ng yabag ng paa na baba ng hagdan. Si James yun. Finally nandyan na siya. Kala ko hindi na niya ako bababain dito.
"You're still here? Nag-antay ka pa talaga ha. Anong oras na. Malalate kana"bungad nito sa akin nang makarating siya ng dining area at umupo sa tapat ko.
"Hindi, inantay talaga kita. Okay lang malate ako. Madali lang naman magpalusot sa prof. ko eh"sagot ko dito sabay ngiti sa kaniya. "Ito oh, pinagtimpla kita ng coffee kaso mukhang malamig na. Wait, iinitin ko lang sa microwave"tatayo na sana ako ng pigilan niya ko.
"No, ako na"ani nito at tumayo. Nag-antay ako ng isang minuto bago siya bumalik dala-dala yung kapeng ininit niya.
"Ano bang ginagawa mo dito? As I knew, tapos na ang kasunduan ko sayong pagiging slave ko. Bakit pinupuntahan mo pa ako?"tanong nito ng makaupo sa kaninang upuan nito. Sa tapat ko.
Wala talaga siyang maalala tungkol kagabi.
"Wala lang. Hehe. Ang aga ko kasing nagising tapos wala naman akong magawa sa bahay kaya naisipan kong daanan ka dito"sagot ko. "Yan oh, pinaglagay na kita ng cheese cake. Kainin mo. Para magkalaman ang tiyan mo"alok ko. Di na naman siya umapela pa at sinimulan ng kumain ng cake.
![](https://img.wattpad.com/cover/20727979-288-k409264.jpg)
BINABASA MO ANG
Crazy In Love With Mr. Popular [On-Going]
Novela JuvenilAnong gagawin mo kapag nameet mo personaly ang isang sikat, gwapo at kinababaliwan mong tao? Kaso naiinis naman siya sayo sa mga walang kwentang effort at pagpapansing ginagawa mo sa kaniya. Susuko ka na lang ba lalo na't kung alam mo sa sarili mo n...