Prologue

100 1 0
                                    

Cindy Mielle E. Castro

Isang babaeng patay na patay at baliw na baliw sa isang sikat na commercial model, varsity player ng basketball, at leader ng isang sikat na grupo ng sayaw, ang "Extreme-5" na si Aaron James Antazo. Simula nang magkasama sila sa iisang eskuwelahan ay nagsimula na din siyang magpapasin kay James. Lahat na yata ng pagpapansin ay ginawa na niya kahit isa itong malaking kahihiyan pero lahat ng iyon ay nasasayang lamang dahil imbis na maappreciate ni James ang lahat ng pagpapansing ginagawa niya, eh naiinis ito sa kaniya at nasisigawan madalas kahit sa harap ng maraming tao dahil sa sobrang kakulitan niya at laging itong nakasunod dito. Imbis na isipin at sabihin ni James na isa siyang admirer nito o tagahanga eh sinasabihan siya nito na isang stalker at parang asong sunod ng sunodsa kaniya. Pero kahit ganon ito sa kaniya at kahitna sinasabihan na siya nito ng masasakit na salita ay binabalewala niya lamang at pinagpapatuloy lamang niya ang mga ginagawa niyang pagpapansin kay James. Hindi siya sumusuko at umaasa siya na mapapansin din siya nito isang araw.

Kinaiinisan din siya ng karamihan dahil sa pagiging malapit nito sa ibang member ng "Extreme-5" pero di alintana iyon sa kaniya. Maraming naiinis din sa kaniya dahil sa pagiging papansin, hyper at weird. Kilala siya bilang isang 'Nerd na Baliw'. Binabalewala niya lamang ang mga negative comments at issues na walang katotohanang ibinabato sa kaniya dahil para sa kaniya, masaya siya sa mga ginagawa niya at wala naman siyang ginagawang masama.

Aaron James L. Antazo

Lalaking sikat at pinapantasiyahan ng lahat. Lalaking kinakabaliwan ng isang die-hard fan na si Cindy. Inis na inis siya sa babaeng yun dahil simula ng mag-aral ito at ang buong grupo niya sa school na pinapasukan ni Cindy ay walang araw na hindi binibuwisit nito ang araw niya dahil para itong asong naksunod lagi sa kaniya. Kahit na nirereject na niya ang lahat ng effort na ginagawa ni Cindy ay hindi ito sumusuko o tumitigil sa pagpansin sa kaniya at nagpapatuloy lamang ito sa mga ginagawa niya. Kahit na sinisigawan na niya ito kahit sa harap ng maraming tao para tumigil na ito at makaramdam ng kahihiyan ay para wala lang iyon kay Cindy, 'pasok sa tenga labas sa kabila' ganyan lang si Cindy sa tuwing nasisigawan niya ito at nginingitian siya lamang nito kaya mas lalong naiinis at nag-iinit ang ulo niya dito na halos isumpa na niya ito na sana mawala na ito sa landas niya pero mukhang imposibleng mangyari dahil iba si Cindy, hindi ito basta-basta marunong sumuko. Hanggang sa mapagod na siyang manigaw at sumuway dito, eh hinayaan na lamang niya ito dahil alam niyang magsasawa din ito sa kaniya at si Cindy na mismo ang lalayo sa kaniya pero ang pagtrato niya dito ay hindi nagbabago. Tripleng inis ang nararamdaman niya dito at kulong-kulo na ang dugo niya dito.

Paano kung isang araw, di niya namamalayan na unti-unti ng nagbabago ang pagtingin niya kay Cindy? Unti-unti siyang bumabait dito, at unti-unting nasasanay sa presence nito. Nakakaramdam ng saya sa tuwing kasama niya ito. Imbis na mainis sa ginagawang pagpapansin sa kaniya ni Cindy eh napapangiti siya at naaappreciate na nito ang mga effort ni Cindy. Naiinis minsan kapag may kasama o kausap na iba si Cindy. At kadalasan nakakaramdam siya ng lungkot kapag hindi niya ito nakikita o hindi siya nito kinukulit. Posible kayang mahulog ang loob ng isang katulad niya sa babaeng halos isumpa na niya at ipinapanalangin na sana mawala na sa buhay niya ang isang babaeng katulad ni Cindy?

Crazy In Love With Mr. Popular [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon