Chapter 8

59 1 0
                                    

Harry at the multimedia-->

(Author's Note:

This chapter ay P.O.V ni Harrison(Harry). Hope you like it ^_^ Enjoy reading :*)

Harry's POV

Pagkapasok ko ng practice room kumpleto na silang lahat pati si James nandito na.

Kung nagtataka kayo kung paano o bakit? Hindi naman kasi talaga totoo yung mga sinabi ko kay Cindy na di ko alam itong practice room, na wala pa yung mga kagrupo ko at kailangan kong magpasama sa kaniya. Ang totoo niyan alam ko talaga yung practice room.

Nakita pa nga ako kanina ni Blake na nakatambay sa hallway kung san ako nakita ni Cindy, pinauna ko lang siya kasi may inaantay ako, si Cindy.

Gusto niyong malaman kung bakit?

Noon pa lang kilala ko na si Cindy, sa mukha nga lang. Oo tama siya lagi siyang present sa mga concert namin dahil nakikita ko siya kahit nasa bandang dulo siya. Paano? Kasi siya lang naman ang taong laging may dala ng napakalaking banner na may mukha ni James at may pangalan pa nito, agaw pansin siya kahit kanino pati saming Extreme-5 ewan ko lang kay James dahil di naman yun marunong mag-appreciate ng effort ng iba.

Simula nun tuwing may concert kaming grupo di naiiwasang hanapin ko siya sa ground kahit di naman ako yung bias niya, sa una di ko alam kung bakit ko siya hinahanap pero nung tumagal nalaman ko na parang may something siya sa akin na di ko malaman kung ano parang nakaramdam ako ng pagkainteresado sa kaniya kahit nung mga panahong yun di ko pa siya nalalapitan at kilala sa pangalan.

Tapos kanina nung nasa open field kami nakatambay at may mga babaeng nakapalibot samin, laking gulat ko na lang nang may biglang mangyakap kay James at malaman ko kung sino yun ay yung babaeng hinahanap palagi tuwing may concert kami, di ko alam ang pangalan niya nun pero nung magpakilala siya na siya si Cindy napangiti ako ng patago. Di ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito, siguro na crush-at-first-sight ako sa kaniya kaya ganun na lang ako at sa tuwing may concert kami eh hinahanap-hanap ko siya.

Kaya yung kanina sa hallway kung san ako nakatambay kanina buti natsempuhan kong dun siya dumaan at di na ako nagdalawang isip na tawagin siya. Nakaramdam naman ako ng lungkot nung sinabi niyang di niya ako kilala pati yung ibang kagrupo ko at si James lang yung kilala niya pero ayos lang wala naman akong karapatan para magalit o malungkot eh sa si James ang bias niya anung magagawa ko. Di din ako nagdalawang isip na magpakilala sa kaniya at napangiti ako nang makita ko ang reaksyon ng mukha niya, gulat na gulat siya at pangalawa nakaramdam siya ng hiya kaya pagkatapos nun di na muli kaming nagkausap. Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad.

Nang makarating na kami sa tapat ng Practice Room, nagkatinginan kaming dalawa at dun ko napagtanto kung gaano siya kaganda kahit may suot siyang nerdy glass. Bumilis naman yung tibok ng puso ko. At sh*t parang gusto ko siyang lapitan, mayakap at halikan basta. Abnormal na ata 'tong nararamdam ko at kung anu-anong pumapasok sa utak ko na gustong gawin kay Cindy. Aalis na siya dapat nun ng pigilan ko siya na kung gusto niyang sumama sakin sa loob, matagal siya bago sumagot ng biglang tumunog yung cellphone niya. Hinayaan ko munang sagutin at kausapin yung tumatawag sa kaniya. Lumayo siya sakin ng unti at tumalikod, nakatingin at nakatitig lang ako sa kaniya at yung mga mata ko parang ayaw ng umalis kakatingin sa kaniya.

Crazy In Love With Mr. Popular [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon