Breaktime na namin at mahaba-habang oras iyon. Kaya ang plano ko ay pupunta ako sa room ng Extreme-5 para yayain si James kumain sa labas. Lalakasan ko na ang loob ko. Pakapalan na 'to tutal makapal naman talaga ang mukha ko ^_^
Alam kong maraming maiinis kapag nalaman at nakita ng mga fans niya na sumasama ako sa kaniya. Basta ang plano ko lang talaga tulungan siyang makamove-on kay Sophia. Hindi ko alam kung magagawa ko yun pero susubukan ko.
Kanina nga habang nasa biyahe kami papunta ditong school parang wala siya sa wisyo niya. Parang ang lalim ng iniisip. Si Sophia na naman siguro? Kaya buti nga ligtas kaming nakarating ng school.
Mabilis kong iniligpit ang mga gamit kong nasa ibabaw ng desk ko at nilagay iyon sa bag ko, pagkatapos ay isinukbit yun sa balikat ko.
Palabas na sana ako ng room ng may tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko sa likod, si Harry. Classmate ko siya sa History subject.
"Bakit?"tanong ko sa kaniya ng makalapit na siya sa akin.
"Yayain sana kitang kumain sa labas. Tara! Libro ko naman"
Hay. Sayang -.-" Libre daw? Kaso hindi puwedi.
"S-sorry H-harry ha. May pupuntahan kasi ako eh. Next time na lang, okay? Sige una na ko. Babye"ngitian ko siya habang mahinang tinapik-tapik yung likod niya tiyaka iniwan na siya doon. Nagmamadali kasi ako baka umalis ng quarter nila si James.
Mabilis naman ako nakarating ng room nila at walang katok-katok akong pumasok doon. Hehe. Ang rude ko lang. Peace :*
Pagkapasok ko naman ay, bumungad sa akin ang isang poker face na mukha ni James habang nakaupo ito sa sofa at nakapatong ang dalawang paa nito sa maliit na lamesa at habang may hawak-hawak itong libro.
Buti siya lang ang nandito.
"Why are you here?"walang ganang tanong nito sa akin habang di man lang ako tinatapunan ng tingin nito.
Umupo muna ako sa isang pang-isahang upuan na sofa bago nagsalita.
"Kumain kana ba?"nahihiyang tanong ko sa kaniya.
"You don't have care"sagot nito sabay lipat ng pahina ng librong binabasa niya.
"Yayain sana kitang kumain sa labas. Libre ko naman eh. Tara?"yaya ko habang nandun pa rin yung hiyang nararamdaman ko.
"Tss. Ayoko, anong mapapala ko sa'yo? Edi kumain ka mag-isa mo. Tiyaka di na kita alipin kaya ano pang ginagawa mo dito?"
"May alam kasi akong kainan. Malapit lang dito sa school. Masarap pati mga pagkain doon tiyak magugustuhan mo. Promise"pangungumbinsi ko.
Sana pamayag na siya 'no -.-"
"I said, I won't. I can eat myself. Hindi pa pati ako gutom. Kaya umalis kana. Wag ako ang guluhin mo"pagtataboy nito.
Ayaw pa rin.
Never give up, Cindy. Never give up. Makumkumbinsi mo din siya.
"Anong oras ka kakain?"
"Mamaya"agad na sagot nito.
"Edi aantayin ko na lang ang mamayang yun. 1 hour naman ang break ko eh"ngiti-ngiting sabi ko.
Nagulat naman ako ng malakas nitong ibinagsak sa maliit na lamesa yung librong hawak-hawak niya at ibiniba ang paa nito tiyaka tinignan ako nito ng masama.
"Bakit ba ang kulit mo?! Di ba ang sabi ko, hindi ako gutom! Bakit hindi ka kumain mag-isa. May mga kaibigan ka naman siguro di ba?! Bakit hindi sila ang yayain mo?! Hindi ako yung kinukulit mo dito. Ayaw ko nga sabing sumama sa'yo! Umalis kana habang nakakapagtimpi pa ako. Masakit ang ulo ko, pinapainit mo!"bulyaw nito sa akin na kinatahimik ko.
BINABASA MO ANG
Crazy In Love With Mr. Popular [On-Going]
Novela JuvenilAnong gagawin mo kapag nameet mo personaly ang isang sikat, gwapo at kinababaliwan mong tao? Kaso naiinis naman siya sayo sa mga walang kwentang effort at pagpapansing ginagawa mo sa kaniya. Susuko ka na lang ba lalo na't kung alam mo sa sarili mo n...