Chapter 16

59 1 0
                                    

Cindy's P.O.V

"Excuse me, Miss?"sabi ng isang boses ng isang matandang babae na kanina pa nangangalabit sakin para gisingin ako.

Tss. Istorbo naman oh =_=" Natutulog pa yung tao eh.

'Ge lang Cindy. Kunwari hindi mo siya naririnig. Patay malisya ka lang. Matulog ka lang'singit ng isip ko.

Tama. Kunwari wala akong narinig. Inaantok pa kasi talaga ako tiyaka anong oras pa lang naman. Maaga pa siguro. Hindi pa nagsisimula ang klase.

"Excuse me, Miss. Library 'to, okay. Hindi tulugan. Anong oras na oh. 2 hours kana natutulog dito sa library. Your already late. Malapit ng magbreak time"mariin pero mahinang sabi niya. Alam kong naiinis na siya sakin dahil akala niya siguro tulog pa rin ako.

Pero teka... Anong sinabi niya?

Napadilat ako ng wala sa oras ng magprocess sa utak ko kung ano ang sinabi niya.

Yung librarian pala 'to. Si Ma'am Aragoza.

Pero teka, ano ulit yung sinabi niya???

2 hours na daw akong natutulog dito sa library tapos...

O_________________________O

Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhh~

Late na ako. Late na late na ako. Tapos malapit ng magbreak time. Waaaaaaaaaahhh~ Huhu. Patay TT.TT

"Ano tatayo kana ba jan, alam kong gising kana o gusto mo pang ireport ko 'to sa guidance?!"tanong niya pa.

Napatayo ako ng wala sa oras na ikinagulat ng librarian.

"Waaaaaahhh~ Late na po ako. Huhu. Sige po. Babye"maktol ko. Pagkasabi ko nun kinuha ko agad yung bag ko na nakapatong sa lamesa tiyaka tumakbo ng napakabilis palabas ng library.

Waaaaahh~ Lagot TT.TT Kasi naman bakit kasi di ko namalayan yung oras. Yan tuloy napasarap ang tulog ko. Mapresko kasi sa library kaya yan hindi ko namalayan ang oras.

Lakad takbo lang ang ginagawa ko papuntang room ko. Sana may maabutan pa ako. T^T

Pagkarating ko sa room.. Lahat ng mata ng mga kaklase ko nabaling sakin pagkapasok ko dito sa room. Pati yung Prof. ko nakatingin din sakin.

*Gulp*

Para naman akongnakapatay. Grabe mga makatingin.

Tumingin ako sa gawi ng prof. ko "Sir, sorry i'm late"pahintulot ko tiyaka nagbow.

"Anong oras na miss Castro. Malapit ng matapos ang klase ko. Okay, go to your seat"sabi ng prof. ko. Buti di na niya tinanong kung bakit ako late -_-"

Tumango ako bilang sagot tiyaka nagsimulang maglakad papuntang upuan ko.

History ang subject namin ngayon, si sir San Juan ang prof . namin. Okay lang sa kaniya kung malate ka sa subject niya o wag pumasok o di kaya hindi makinig dahil alam naman daw niya na boring ang subject niya basta daw magtuturo pa din siya pero sa oras dapat na magpaquiz siya may maisagot ka.

Siyempre hindi ako ganun 'no. Hindi naman kaya boring ang subject na History. Ngayon lang nangyari 'tong nalate ako ng sobra sa subject niya kaybuti na lang hindi niya ako pinagalitan o ipinahiya sa harap ng klase. Favorite ako niyan ni sir eh. Hehe ^_^ Ako lang daw kasi sa mga estudyante niya ang nasasarapan at nagtitiyagang makinig sa mga tinuturo niya tapos kapag may recitation lagi niya akong navevery good dahil laging tama yung mga sagot ko. Hehe.

Ako na. Ako na ang best in History. Joke. ^_^

Pero hindi ko naman nameet yung first subject ko na literature. Huhu. Baka may assignment kami dun o ginawang activity. Lagooot~

Crazy In Love With Mr. Popular [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon