Chapter 26

47 1 0
                                    

“S-salamat H-harry. S-saan mo nakuha ‘to?”nahihiya kong tanong kay Harry nang may iabot siya sa akin na isang paper bag na may laman na pamalit ko.. Alam niyo na yun -.-

“Nag-utos ako ng estudyante nang may nakita ko”sagot naman niya.

“A-ahh. S-salamat”ako.

“Your welcome. Okay ka lang ba jan? Do you want me to call your friends? I‘ll excuse them”nag-aalalang tanong niya sa akin habang nasa labas nitong C.R ng quarter nila habang ako ay nasa loob ng likod ng pinto nitong C.R at may unting bukas yung pinto para magkausap kami kahit hindi namin nakikita ang isa‘t isa.

WAAAAAHH~ >//< This is so embarassing. Nakakahiya sa Extreme-5 especially James. Huhu. Baka maturn-off na siya sa akin. T.T

“Cindy”

Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Harry.

“H-ha?”ako.

“Gusto mo bang papuntahin ko mga kaibigan mo dito para may umalalay sayo?”tanong niya.

“A-ahhh~ W-wag wag.. K-kaya ko na”sabi ko. Ayoko ngang malaman ng mga kaibigan ko ang tungkol dito. Siguradong pagtatawanan nila ako except kay Heidi na sermon ang aabutin ko mula sa kaniya. Hindi naman niya kasi alam na nandito ako sa quarter ng Extreme-5.

“Are you sure na kaya mo na talaga?”Harry.

“Oo”sagot ko.

“Oh sige, antayin na lang kita sa sala tapos ihahatid na kita sa room niyo. Late kana eh”sabi pa nito.

“S-sige. Mag-aayos na ko”pagkasabi ko nun ay sinara ko na yung pinto at nagsimula ng magpalit.

Waaaaahh~ Late na ko T.T patay ako nito sa prof. ko. Pero sasamahan naman ako ni Harry kaya baka tulungan niya akong mag-explain kung bakit ako late. Kakainis kasi tong period na 'to bakit ngayon pa dumalaw, eh hindi naman ako prepare T.T

-
After five minutes, siguro? Ay tapos na din akong mag-ayos sa sarili ko. Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago ako lumabas nitong C.R dahil hiyang-hiya talaga ako sa nangyari sa akin. Ang kakapalan ng mukha ko eh bigla na lang naglaho. Parang feeling ko, wala na akong maihaharap sa buong Extreme 5, especially James na siya mismo nakakita na may red spot ang likod ng palda ko.

Dahan-dahan akong naglalakad papunta kung nasaan ang buong Extreme-5. Mukhang nagkukwentuhan silang lima habang sila Blake at Zach ay nangingibabaw ang tawa sa loob nitong room nila.

Nang makarating ako doon ay sumilip ako ng dahan-dahan at sa pagsilip ko si Harry agad ang nakakita sakin. Agad siyang tumayo at lumapit sa direksyon ko.

“Okay kana?”bungad niya sa akin.

Tumangon lang ako bilang sagot. Nahihiya kasi ako T.T

Kita mo sa way ng pagkakatanong niya na concern siya sa akin.

Sa tanong niyang yun ay napunta sa amin ang atensyon ng ibang Extreme-5. Kay James agad ako napatingin at kita ko kung paano siya magpigil ng tawa niya.

Waaaaahh~ Sabi na eh, matuturn-off na siya sa akin T.T

“Woah~ iba na talaga ang inlove. Dumadamoves kana pre. Ipagpatuloy  mo lang yan”asar ni Blake at kita mo din sa mukha niya na nagpipigil siya ng tawa. Ganon din si Zach na tinakpan na ang bibig para mapigilan lang ang tawa niya. Puwera nga lang kay Van na poker face lang ang mukha habang may hawak ng libro ng.. ewan ko kung anong libro yun -.- Basta hindi siya porn o what so ever.

“Mga g*go. Tumigil nga kayo. Para kayong mga tanga jang nagpipigil ng tawa”Harry.

Huhu. Alam ko naman na ako yung pinagtatawanan nila eh L Sige okay lang. Itawa niyo lang yan.

Crazy In Love With Mr. Popular [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon