Chapter 11

67 1 0
                                    

Eh? Nasan kami?

"Psst! James asan tayo?"tanong ko kay James na nauuna sakin sa paglalakad.

"Tss. Shut Up! Baka magising yung mga kapit-bahay ko"suway niya sa akin.

*Pout*

Nagtatanong lang naman eh. Nandito kami sa di ko alam na building hotel ata tawag dito. Ewan ko kung bakit ako dinala dito ni James. Kala ko ba pagbabayaran ko yung ginawa kong pang-iistorbo sa kaniya pero bakit nandito kami sa isang hotel.

"Pasok"sabi niya sakin nang buksan niya ang isa sa mga pinto dito sa hotel.

Di agad ako pumasok, sinilip ko muna yung loob kung anong meron dun. Baka mamaya nandun na yung mga rapist, canibals at piranah na nasa malaking aquarium at gutom na gutom na kainin ako pero parang wala naman mga sofa nakikita ko pati T.V at hagdan nasan ba talaga kami?

"Papasok ka ba o hindi?"inis na tanong sakin ni James.

"Nasan ba ka---"naputol yung sasabihin ko ng bigla niya akong kaladkarin papasok.

"Nada condo ko tayo"sagot niya habang sinasara yung pinto.

Nasa condo niya pala kami ngayon. Hehe. Ganito pala itsura ng condo di pa kasi ako nakakapunta ng condo kahit may condo kami kasi ayaw ko lang. Hehe. Mas gusto ko sa bahay namin.

"Ah eh. Bakit tayo nandito sa condo mo? Di ba sabi mo pagbabayaran ko yung ginawa kong pang-iistorbo ko sayo? Eh bakit tayo nandito?"tanong ko.

"Oo nga. Kaya tayo nandito para gawin mo na ang ipapagawa ko sayo"sagot niya tiyaka umupo sa isa sa mga sofa habang ako, nanatiling nakatayo.

"Ano na ipapagawa mo sakin?"tanong ko.

"You will be my slave at 1week"sagot niya sabay ngiti ng nakakaloko.

Ano daw?

O_O

Slave? Alipin? Alila? Katulong? Utusan?

"Ha? Slave? Bakit naman?"naguguluhang tanong ko.

Sa dinami-raming parusang puweding ibigay niya sakin bakit slave pa? T.T Wala naman akong alam masyado dun. Unti lang.

"Pasalamat ka nga at ayun lang. Pasalamat ka din at 1 week mo lang akong pagsisilbihin. Gusto mo naman di ba? Atleast hindi kana magpapakahirap na sumilip-silip sa pintuan ng Practice Room at hindi ka na din mahihirapang magtago sa mga damo damo di kaya sa mga puno"James.

O_O

Bat niya alam? Bakit niya alam yung mga pinagkakagawa ko sa tuwing gusto ko siya makita? May third eye ba siya kaya niya alam?

"Bakit mo alam?"tanong ko.

"Kasi alam ko"sagot niya sa nakakaloko. "Hindi ako tanga na katulad mo para di mapansin na sinusundan mo ako araw-araw kung san ako magpunta. Tama ba ko?"dag-dag niya pa.

Sakit naman nun T3T Hindi naman ako tanga ah.

"Hindi naman kita sinusundan ah. Sumisilay lang ako sayo. Ano akala mo sakin stalker?"depensa ko.

"Ikaw na din nagsabi. And yes, your my Crazy-Stupid Stalker"saad niya.

"Hindi naman ako Crazy-Stupid Stalker ah. Admirer mo kaya ako"sabi ko. Aba! Kahit na crush ko pa 'tong James na 'to, hindi ako papatalo. Papatunayan ko sa kaniya na hindi ako isang 'Crazy-Stupid Stalker' dahil isa akong 'Crazy-In Love Admirer' niya.

"Admirer? Bakit ano ba bang turing mo sakin?"tanong niya.

Napangiti naman ako sa tanong niya."Crush kasi kita eh"sagot ko. "Crush na crush kita matagal na"dagdag ko pa.

Kumunot naman bigla yung noo niya. "Tss. Baliw. Magsimula ka na ngang gawin yung pinapagawa ko"sabi niya tiyaka tumayo na at pumuntang hagdan.

Aakyat na sana siyang pigilan ko siya. "Wait!"sabi ko.

"What?!"inis na tanong niya.

"Anong gagawin ko?"tanong ko. Di ko naman kasi alam kung among gagawin ko dito sa condo ni James baka mamaya may gawin akong iba, magalit lang siya sakin.

"Linisin mo condo ko. Magligpit ka. Alisin mo yungmga kalat. Hugasan mo ang dapat hugasan na nasa lababo. Linisin mo pati C.R at huwag na huwag kang papasok sa kwarto ko kundi malilintikan ka sakin. Matutulog muna ako"sabi niya at akmang hahakbang na sana siya ng hagdan nang mapatigil siya at tumingin sa gawi ko. "At gusto paggising ko tapos kana at may pagkain ng nakahain"dagdag niya at tuloy-tuloy na siya sa pag-akyat ng hagdan.

Waaa~ Ang dami namang utos. Magagawa ko kaya lahat yun. Tapos dapat paggising niya tapos na ako at may pagkain na. Huhu. Di pa naman ako kagalingan sa pagluluto baka mamaya yung lutuin kong pagkain hindi niya magustuhan kasi hindi masarap tapos magagalit na naman siya sakin. Huhu. Sayang effort lang. Di ko pati alam kung anong gusto niyang kainin. Hayst. Ano ba yan -.-

'Ano ka ba naman Cindy. Siyempre kaya mo yan, ikaw pa. Tiwala lang'singit ng isip ko.

Tama! Kaya ko 'to. Ako pa ^_^ Tiwala lang magagawa ko lahat ng inuutos ni James. Hehe.

Aja! Fighting! ^_^

-

Short UD. Hehe. Sorry ^_^ Try ko ulit later mag-update, okay. Sana nagustuhan niyo. Yaay~ Thank you sa mga nagbabasa ng CILWMP. Sana tuloy-tuloy lang po. Hehe. Comment naman kayo kung anong masasabi niyo sa bawat i-uud ko :) Vote na din kung nagustuhan niyo. Yun lang naman. Thanks :*

-Ai-ai

Crazy In Love With Mr. Popular [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon