Chapter 6

68 1 0
                                    

“That's all for today. Goodbye!”anunsyo ng aming prof. at lumabas na ng aming room.

Hayy. Salamat uwian na din. ^_^

“Mosh, una na ko ha. Nagtext kasi si Hon. Nag-aayang magdate. Hehe. Mauna na kayong apat, okay? Nasabi ko na din sa kanila. Ingat kayo, Mosh”paalam ni Mosh ng makalabas na kami ng room tiyaka nakipagbeso sakin at nauna ng maglakad.

“Ingat, Mosh. Enjoy your date. Hehe!”pahabol ko.

Napalingon naman siya sakin at ngumiti tiyaka kumaway. Ganon din ako at humarap na ulit siya sa unahan ng nilalakaran niya.

Napabuntong hininga naman ako. Saan ako ngayon mag-i-stay? Eh mamaya pang 4o'clock ang labasan nung tatlo, eh anong oras pa lang..

(Tingin sa orasan)

Hayy. 3:20 pa lang..

Sa tambayan nga muna namin ako. Hmpf.

Habang naglalakad ako papunta sa tinatambayan naming anim eh may nakasalubong akong isang lalaki na nakasandal sa pader habang nasa magkabilang bulsa ng pants niya ang dalawa niyang kamay. Infernes, gwapo siya at ang hot ng dating niya parang si Bebe'James. Kyaaa~ Ang landi ko. Hihi. Pero pamilyar siya sakin parang nakita ko na siya. Di ko lang alam kung san ko siya nakita.Pero teka, bat nakatingin siya sakin? O_O Hala! Bakit kaya? May dumi ba ako sa mukha?

(Kuha ng salamin sa bag)

Pero wala naman. Ibinalik ko ulit sa bag ko yung salamin ko at ibinaling ang tingin ko sa unahan at patay malisya na kunwari hindi ko nahuling nakatingin siya sakin.

*lakad. lakad. lakad. lak---*

“Ah, Miss!”tawag ni kuyang nakatingin sakin kanina pero di ko siya nilingon baka kasi di naman ako yun. Pahiya pa ako.

“Miss!”tawag niya ulit. Sino ba kasi yung tinatawag niya? Ang bingi naman. Tsk.

*lakad. lakad. lakad. lak---*

“Ah miss. Wait!”sabi nung lalaki at naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Pagharap ko si kuya na nakatingin sakin kanina.

Ako ba yung kanina niya pang tinatawag? Ngek! Nasabihan ko pang bingi yung sarili ko. Hahaha.

“Ako ba yung tinatawag mo?”tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.

“Yes. Pero dedma ka lang”sagot niya. Hehe. Sorry naman, kala ko kasi hindi ako yun eh.

Napahawak ako sa batok ko na parang nahihiya. Hehe. Totoo naman eh, pahiya kaya ako ng unti dun. “Sorry ha. Kala ko kasi di ako yung tinatawag mo. He-he”nahihiyang sabi ko.

Crazy In Love With Mr. Popular [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon