Chapter 19

53 1 0
                                    

James's P.O.V

Nagising ako mula sa pagkakahiga sa kama ko na mabigat ang katawan at masakit ang ulo.

“Aish!”inda ko habang nakapatong ang isang kamay ko sa ulo.

Nakainom nga pala ako kagabi at naghamon ng sapakan sa mga lalaking nasa bar.

Mabuti nakauwi pa ako ng buhay dito sa condo ko.

Teka.. Paano ako napunta dito sa kama ko? Pagkakatanda ko nasa sahig ako kagabi habang nag-iinom tapos ang gulo-gulo pa ng kwarto ko pero ngayon malinis na tapos ang malinis na din yung suot kong damit at wala ng mga dugo-dugo . Ahh. Baka yung maintanance lang gumawa nito.

Napaupo ako at napasandal sa headboard ng kama ko. Mamaya na lang ako papasok. Bahala na kung malate. Tss.

Bigla ko naman naalala yung pinakamasamang bangungot para sa akin na nangyari kahapon. Ang rason kung bakit ako nagpakalasing at nagpabugbog.

Si Sophia..

Flashback

Pagkatapos niya akong halikan, humiwalay na siya sakin.

Nakita ko ang biglang pagbago ng expression ng mukha ni Sophia. Kung kanina nakangiti siya ng magkita kami ngayon seryoso na.

“Let's go to our place, babe. I have something to tell you”seryosong sabi niya sakin tiyaka hinawakan niya ako sa kamay ng sobrang higpit.

Parang may kakaiba sa kinikilos ngayon ni Sophia parang may mali, hindi ko lang alam kung tama ako pero iyon ang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko parang may hindi magandang mangyayari ngayon. Aish! Wag naman sana.

“Sure”sagot ko habang pilit kong ngumiti sa kaniya.

Pumunta na kami kung nasan nakaparada ang sasakyan ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

“Thanks”tipid niyang sabi tiyaka sumakay na sa loob. Ni hindi man lang niya ako nilingon.

Sumakay na din ako sa driver seat at nagsimulang magmaneho. Gusto niyang pumunta sa lugar kung saan kami lang ang may alam. Malayo-layo yun dito sa siyudad kaya mahabang-habang biyahe ang mangyayari. Doon kami nagkikita ni Sophia ng pasekreto lang. Yung walang makakakita at makakasunod sa amin. Kaya nagagawa namin ang gusto namin kapag nandun kami.

Napalingon ako sa katabi ko. Ang tahimik niya bigla. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana at mukhang malalim ang iniisip. Ano naman kaya yun?

Dati naman sa tuwing uuwi siya dito sa Pilipinas para makita ako, kinukuwentuhan niya ako ng mga kung anu-anong ginagawa niya at nagyayari sa kaniya doon sa Amerika pero ngayon wala. Mukhang may problema nga siya at dapat ko yun malaman ngayon din.

Hininto ko muna sa tabi ng kalsada yung sasakyan ko na ikinagulat naman ni Sophia kaya napatingin siya sakin, tumingin din ako sa kaniya at hinawakan ko siya sa kamay.

“May problema ba tayo, babe?”nag-aalalang tanong ko.

Nanlaki naman yung mata niya sa tanong ko. Meron nga.

“N-nothing b-babe. Let's go m-malapit na tayo sa pupuntahan natin”sagot niya tiyaka hiniwalay ang kamay niya sa kamay ko at umiwas ng tingin.

Liar.

Nakaramadam naman ako ng kirot sa dib-dib sa ginawa ni Sophia. Dati naman hindi siya ganiyan ah.

Napabuntong hininga na lang ako tiyaka inistart muli ang makina at nagfocus sa pagdadrive.

-

Crazy In Love With Mr. Popular [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon